33 Các câu trả lời
You have to tell your family sooner or later. Preferrably kasama mo bf mo para mapakita na pananagutan ka naman. Di mo na kontrolado anong magiging reaction ng parents mo. Lift your worries na lang to God. Handa mo sarili mo sa kung ano magiging reaction nila and tanggapin mo yun kasi alam mo naman na nagkamali ka. BUT, they are your family. They will always be your family. They may get disappointed at first pero they will understand and accept your situation eventually. Ang mahalaga, masabe mo sa kanila kesa naman iniisip mo lahat ng what ifs dyan. Most probably alam na ng Mom mo yan. Iba makakutob ang ina. As for the opportunities na feeling mo namiss mo dahil maaga ka nabuntis, girl, 18 ka pa lang. Dadating at dadating ang opportunities sayo. Someday you will understand everything - na kaya pala di binigay sayo yung ganito kasi ibibigay sayo yung ganyan. Pero everything that happens is according to HIS plans. Bata ka pa. Pwede kang bumalik sa pag-aaral. For now, focus ka muna sa baby mo. Pero hindi sagabal ang anak para tuparin mga pangarap mo para sa sarili mo. Minsan mapo-pause lang saglit dahil nga syempre need asikasuhin si baby, pero hindi ibig sabihin titigil na. Nasa pagpupursigi mo yan. 😊
Congratulations natupad mona ang pangarap mo na pinangarap kodin at naging pasaway. HAHAHA! Charot. Naiintindihan kita bevs. Been there. Ipon ka power rangers bevs. Tapos ikame-kamiwave mo sa mga lotlot and friends mo (family). Super duper ultramega ang galit nila sayo for sure ako hindi sa pisikal pero talagang sa salita. Sikmurain mo bevs ha? Parang pag sikmura ng pempem natin sa mga cheesedog ng jowaers natin. (Hahaha) ganun talaga e. Wala eh. Happy2x tayo noon. *Huwag ka sana maooffend pero ginagawa ko lang chill sayo*. Lahat naman may putak pati kapit bahay magiging pwet ng manok bevs. Pasok sa kabila labas sa kabilang te nga ka nalangsa mga kulang sa aruga. Ang mahalaga alam mo ang mali mo, may natutunan ka at magbabago ka. Sabihin mo kapag kaya mona kapag ready kana pero bevs "huwag masiyadong matagal ha? Huwag yung sa iba pa nila malalaman or sila pa ang makahuli sayo" dagdag kaso yan. :'))) God bless u and our babies. 🤰😍🙏
Nahirapan din ako nung una kung pano sasabihin sa parents ko. Mga 3 times ako nag try hanggang sa 4 months na ko saka ko nasabi with my ultrasound result na kase yun binigay ko ng diretso sa mama ko. Akala ko nga pasigaw syang magsasalita or papalayasin ba ako. Pero mahinahon syang nakipag.usap sa akin, di ko enexpect yun kase sobrang strict nya din sa akin lalo na't ako ang bunso. Natanggap naman nya, kaso yung ate ko hindi ako matanggap hanggang ngayon eh hindi pa ako kinakausap hehe. Okay lang naintindihan ko naman sya. Baka paglabas ni baby maging okay na kami. Baka nga paglabas ni baby sa bahay nalang ako ng partner magpapagaling. Ganyan talaga sis, di mo talaga ma cocontrol ano magiging reaction nila. Tanggapin mo na lang mga masasakit na salita. Lilipas din yan. Pakatatag ka lang para sayo and sa baby mo 😊
Same din tayo sis 18 years old Ako now...nalaman ko Lang nabuntis ko makalipas ang debut ko..ang masaklap pa po gumastos ng malaki Lola ko sa debut ko tapos buntis na pla ko nun sabi ng Lola ko sayang yung ginastos sa debut ko sana puhunan na lang namin ni baby yun tapos Dami ko pa raw mararating kasi kunin ko ni Tita pacanada pero wala dumating si baby...una may masasakit na salita pero kailangan mo tanggapin kasi nadisapointed sila pero makalipas lang ilang araw o linggo matatanggap nila kasi magiging part din si baby ng pamilya mu at sure pang gigilan din si baby mu paglabas kagaya ng akin Hehhes good luck sis pray at tiwala Lang
17y/o ako nalaman ko buntis ako. 2 months plg tyan ko sinabi ko na sa kanila. Kasi mahirap pag mas pinatagal pa. Ok na yung maagap plg sasabihin mo narin. Kailangan mo lakasan loob mo kasi kailangan lalo na ngayon magiging mommy kana. Wala papatunguhan kung patatagalin pa. And still PRAY coz God never leave by ur side no matter what happen. I'm 33 weeks preggy na ngayon at tanggap na nila. Saglit lg naman sila magagalit o may masasabi sayo. But u need to stand on ur own feet para sayo at sa anak mo. Wag mo nlg isipin sasabihin ng ibang tao 😊 God bless u and ur baby. Don't forget to pray. Hingi ka tulong kay God💓
Katulad mo hindi rin alam ng nakararami na buntis ako. Even sa side ng partner at sa mga kamag anak ko. Ang may alam lang ay mama ko, mga kapatid ko at kamag anak ko sa side ni mama. Sa side ni papa wala pa kahit isang nakakaalam. Natatakot kasi si mama na mapahiya at baka kung anu anong sabihin nila kasi nga nabuntis ako ng di pa kasal. Swerte ko na lang kasi suportado ako ng partner ko financially and emotionally lalo na ngayon na nagresigned ako sa work. Wala kasi akong ibang maaasahan kundi sya. Sabihin mo na lang paglabas ni baby, may sabihin man silang di maganda, wala naman na silang magagawa kasi anjan na.
Sabihin mo sa family mo. Dapat sila unang nakakaalam kahit anong mangyari. Ang pagbabawal ng pamilya hindi "natural" ang tawag dun. Karapatan ng lahat ng magulang yun. Ang pagiging independent hindi yun hinihingi just because gusto ipakita na kaya mo ng gumala with your friends. No! Ang pagiging independent ini-earn yun by being obedient. Tignan mo sa sobrang gusto mong maging independent, maaga kang nabuntis. Mali yung gusto mong independency sa buhay. Natural ang sermon sa family. Pero ang importante sabihim mo ang totoo. Maiintindihan mo lahat paglabas ng baby mo.
Hello, 19 years lang ako. Somehow nafifeel kita sa part na di mo kayang sabihin sa parents mo pero believe me, walang makakatiis na magulang. At first magagalit sila, yes given na yon. Nasa 3-4 months yata tyan ko nung inamin ko sa parents ko. Nagalit sila saakin pero after non okay na. Mas magaan na sa pakiramdam magbuntis kasi wala kang tinatago. Also, okay naman kayo ng boyfriend mo and pinanindigan ka naman kaya mas mapapadali ang pagtanggap nila, tulad nong akin. Hindi ka nila matitiis, i swear 😊 kausapin mo na parents mo. Kaya niyo yan!
Wala na po akong parents mother ko po kase matagal ng wala tas yung father ko naman buhay pa pero ever since di ko po kasama mga pinsan ko lang po kasama ko ngayon wala po ako lakas loob na sabihin dahil sa magiging tingin nila
Mahirap talaga pag gusto mo maging independent pero maling daan ang natatahak mo. Mas maganda kung sabihin mo na sa magulang mo yan. Para mas may time pa sila mag heal sa sakit kapag nalaman nila. Magagalit ang magulang mo. Pero isipin mo na lang na kaya sila galit dahil mahal ka nila. Humingi ka ng tawad at wag ka magtanim ng sama ng loob kung may sabihin man silang masakit. I'm sure kapag nakita nila ang apo nila mawawala ang galit nila. Dasal ka lang. 😘
Sis, kelangan mo ipaalam sa fam mo ur situation. Kau dalawa ng bf mo. Ganyan sakin pero sinabi ko talaga sa kanila alam kong mali yung ginawa ko at alam kong may consequence ito. Bsta humingi ka lang ng tawad. Sincere na pag sorry. At first lang naman maggalit sila sa inyo but later on maaaccept din nila yan kesa ma isipan nyo na ipalaglag c bby na blessing yan. At magddla ng swerte sa fam. Niwala ako jan.
Latixia Pauline D. Obispado