Sino po mga public school teacher na katulad ko po? Paano po kayo nagcocope up sa stress?
18 weeks preggy po ako and wla po consideration ung iba sa sitwasyon ko 😞 Wla po akong pahinga this week and gawaan p ng grades. 😞
Nakaleave ako mii simula nung nag positive ako. Nagka trauma nako kasi nakunan ako nung 2022 nastress sa mga bata, paperworks tapos nasa 2nd floor pa ang room ko. Pinagleave ako nun ni mister pero mapride ako kasi gusto ko may sariling pera pa din ako. Ngayon nakinig na talaga ako nung sinabi nyan simula hanggang manganak ay magleave. Mahahanap naman daw ang pera.
Đọc thêmstressful talaga maging teacher tapos mababa sahod kung iisipin hinde sapat yung sahod kung kapalit naman ay stress 🤦🏻♀️ wala akong masasabi kasi wala ka namang ibang choice maliban nalang kung gusto mo magpahinga sa pagturo para maka focus jan sa pagbubuntis mo
kaya mo po yan maam. swerte lang ako mababait mga co teacher ko. naiintindihan nila ang sitwasyon ko. naguguilty na nga ako kasi hindi nila ako masyado inuutusan.. hindi na rin ako nakakatulong madalas sa mga gagawin lalo na malapit na ang eosy.
Buti ka pa mam. ako pa madalas utusan ng head ko 😞
Deped teacher po ako. Nako bahala sila. Mas mahalaga si baby. Hintayin nila ko matapos. Saka sinasabi ko na huwag ako masyado pagurin hahaha.
Hindi baleng magmukha tayong pasaway. Kesa ganyan na pagod pagod tayo