almost 300k

170k mahigit ang unang bill ko ng st.lukes for discharge ng csection. Ngayon hinintay ko si husband para sa 30k na kulang para makumpleto ang 170k namin for discharge. Tapos ngayon sumusugod si secretary at mag bigay daw ako ng additional 130k saknya para daw sa profee ng ob ko. Ibigay ko daw saknya ng cash. Umiyak ako non kasi di biro ung 170k tapos my additional na 130k pa na babayaran at hindi dadaan sa billing section ang hjnihingi na 130k. Ni walang naging problema sa health namin ni baby. Makatatungan po ba ang mga binayaran

22 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Kung ako sayo dun ka magtanong sa mismong ob mo para mas maliwanagan ka kasi sa totoo lang wala naman makakasagot ng maayos sayo dito eh... Ang makakasagot sayo ng tama at malinaw ay yung ob mo or dun ka sa mismong hospital magtanong. 80k normal... 170k cs yan ang sabi sa kakilala ko nung nasa st.lukes siya... St.lukes din unang ob niya pero lumipat siya dahil napag-isip isip niya bakit niya ilalagay yang halaga na yan sa panganganak niya. Naghanap na lang siya ng ibang doctor at hospital na magaling. Sa awa ng Diyos nakapanganak na siya ng ligtas at yung pera nila sa anak nila inilaan lahat.

Đọc thêm
5y trước

Just a piece of advice lng po.

Share ko lang. Naloko na po ako nang secretary ng OB ko. Naniningil po kasi sya sakin every check up ng amount na hindi alam ni OB. Kaya pls check with your OB Kausapin mo OB,.pati yun hospital mismo. Ask the hospital ano rules nila s ganyan. Alam ko kasi dapat ang PF naka state na sa resibo ng hospital. Ask them also about the history of the Dr. Mommy wag po kayo mahiya kasi sayang yung pera. Para sa baby niyo sana tas mapupunta sa alanganin. Naawa naman ako sayo. Dahil sa post mo, ngayon palang inquire nako sa OB at sa hospital. Baka magkaganyan din ako

Đọc thêm
Influencer của TAP

i think kausapin nyu po yung billing dept nila, 29 weeks pregnant pa lang po ako pero hnd po st. lukes ako manganganak sa PGH po at balak namin private , nakausap ko na po yung OB ko pag PF po tlaga directly sa knila pra wala daw po tax, ksi ng ccompute na kmi HM yung estimated na magagastos if manganganak na ako and we ask her PF n din right away po , ask ko lng po did you ask you docs PF po ba and ng tanung din po ba kau HM will be the estimated cost ng CS nyu including everything

Đọc thêm

Hi Mommy, wala naka lagay dun sa mismong billing pero dapat meron other sheet of paper na makikita mo ang Doctors Fee. St. Lukes din ako nanganak though mag kaiba tayo kasi normal ako pero sobrang tuwa ko na ang baba ng Doctors Fee ng OB ko. Kasi yung cousin ko sa Makati Med yung siningil sa kanya 68k kaya ang expected namin ni hubby nun mga ganun din normal pareho and wala naman complications or what pero yung sa akin 48k lang mommy Doctors Fee

Đọc thêm
5y trước

mura prof.fee ng doc mo mommy ha....

Coordinate po kayo sa ob nyo mismo mommy, though yung mga pf minsan talaga secretary naniningil. D kaba na advisan magpackage mommy or baka madami ka complications? Ako kasi nakapackage sa makati med 79k normal semi private rm. Nadagdag lang 2500 na pf sa anes kasi nagpainject uli ako ng epid. Since ki ob yang halos kasinlaki ng bill mo sa hosp kausapin nyo po si ob napakalaking pf naman nyan if ever. Iclarify nyo mismo sa kanya

Đọc thêm

ako st.lukes din mommy...pero di nmn umabot ng almost 300k...di kb nagpackaged meron cla offer ahh....cno ba ob mo? ako kc navoid ung packaged dhil ung brother ko knuha regular private na room...eh sa packaged semi private ang room...either 2bedrooms or 4bedrooms...sa packaged kc lhat lahat na covered.

Đọc thêm
5y trước

may promo packaged nmn cla mommy...ung ob ko un suggest sken kso di ako nakapagpromo packaged dhil ung brother ko ang knuha is regular private room kya automatic individual ang mangyayari sa billing ko...napamahal ba...katwiran kc brother ko pag promo ako may kashare kc sa room either 2rooms or 4rooms ang pipiliin mo sa promo packaged eh ayaw nya kc what if daw ung kashare ko is maingay etc etc..bka lalo daw ako mastressed...

Di mo ba natanong ung psf ng OB mo sis bago ka manganak? Ako kc unang check up ko palang nagtanong na ako PSF kung kaya ba namin cya ahaha.... Usually kc ung PSF ng OB inaabot sa knila ng cash tpos separate sa hospital bill esp pag private OB. Sobrang mahal ng nagastos mo nakakaloka....

Nanganak din po ako cs.. 38k lang offer sakin ni ob ko.. private ob & hospital na un.. nakaphilhealth na.. kasama nadin doctors fee dun sa 38k na un.. ngaun next yr. Manganganak ako this coming febraury.. offer sakin ng dati kong ob 40k ksama na lygate ..

May ganyan talaga. Iwas tax kasi yan for them. Nung nanganak ako sa 2nd baby ko, sa billing statement, 1 peso lang Prof. Fee ni OB pero pumunta kami ng clinic to pay her 12k in cash. Hindi yun dumaan sa billing statement. Pero Momsh, grabe yung 130k 😭

High private hospital po ang st. Luke kaya di rin talaga biro ang bills jan esp. Doctors fee.. Try to ask your ob baka pwede bigyan ka nya ng discount sa doctors fee mo then your philhealth.. Pwede ka rin humingi ng medical assistance sa dswd na malapit sa inyo

5y trước

I mean under the table po ung 130k? Wala po kasi un sa billing ko.