Teenage pregnancy
15 years old, 5 months pregnant. Pahingi Ng advice, kinakabahan Kasi Ako Minsan, wag Naman Po sana mag comment Ng masama,☺️Thankyou mga mommy
kinakabahan ka minsan ibig sabihin nagkakaron ka na ng idea kung ano ung pinasok mo. ibig sabihin wala ng labasan wala ng ayawan. motherhood and parenthood is a lifetime obligation. nkakalungkot lang dahil sobrang bata mo pa. high risk at your age . uti , anemic at cs isama na natin ang depression kasi your too young. Ang kailangan mo iha ay ang mag mature na kasi magiging ina ka na. Mag aalaga ka na ng bata kaya dapat hindi ka narin bata. pagiging selfless at matuto kang makinig sa mga binibigay na payo sayo ng nakatatanda alam nming anak mo yan but ung ngbbigay syo ng payo ay may experience na kaya matutong makinig. matuto ka ng habaan ang pasensya mo kailangan ng mahabang pasensya sa pgging ina. lakasan mo ang loob mo patunayan mong kaya mo kahit bata ka. may anak ka ng aasa sayo. ituloy mo prin ang buhay mo ang pangarap mo na kasama ang anak mo. about sa panganganak. ang totoo masakit makaubos ng lakas. walang atrasan yan lakasan mo ang loob mo dahil buhay nyo ng anak mo ang nakataya. isipin mo kung nakaya ng iba dapat kaya mo rin. at isa pang advice kapag manganganak ka na. sundin mo lang ang sinasabi ng nagpapa anak sayo. alam kong masakit pero itry mong ikalma ang sarili mo at mag focus ka lang sa pag ire.
Đọc thêmHi bebe. Parang anak na kita sa age mo kasi same age kayo nung 2nd child ko. I was 16 nung napreggy and 17 years old ako nung nanganak. Ang first born ko ay turning 19 na this December. Ang katawan ng isang minor ay hindi pa fully developed kaya matatawag na risky pregnancy yan kaya triple ingat. Just make sure na magpaprenatal ka every month or as scheduled by your OB. Inumin mo lahat ng vitamins na iprescribe sayo. Gawin lahat ng laboratory test at ultrasound. Wag mahihiyang magpacheckup dahil kailangan nio yan ng baby mo. Kung hindi maiwasan, palaging magpasama sa guardian. Sundin lahat ng bilin ng OB. Magpakatatag ka, anak. Lakasan mo ang loob mo. Nandyan na yan kaya dapat maging responsable ka. Kapag naging nanay ka na, lifetime responsibility na yan. Magdasal ka palagi. Bumalik ka sa pag-aaral kapag kaya mo na. Hugs para sayo.
Đọc thêmAno ang ikinakaba mo? ang realidad ba na paglabas ni baby ay hindi mo na magagawa ang tulad ng dati..? advantage naman niyan e para na kayo magkapatid ng anak mo pag laki niya... disadvantage di ka na pwede magbuhay dalaga.. at maaga palang may responsibilidad ka na... At kahit nanay ka na magtapos ka ng Pag aaral mo.. Yun ang maiaadvise ko sayo. para yan sa mga magulang mo na kahit na nabigo mo sila ng maaga dahil naging Ina ka kagad e kaya mo tuparin ang pangarap nila para sayo.. Goodluck kaya mo yan.. lagi ka din magdadasal na healthy kayo ni baby.. at sana lang yung nakabuntis sayo pinanagutan ka.. wag ka din mahihiya humingi ng gabay sa nanay mo sa pagiging Ina.. dahil kahit kelangan mo maging matured ng maaga e Menor de edad ka pa rin..
Đọc thêmI have a friend before 17yrs old lang siya nabuntis pero dahil nga bata pa siya at mahina ang matres niya nakunan siya, after a year nag try uli sila nabuntis siya uli naipanganak niya ang baby niya kaso ilang araw lang nawala nnamn, then mejo natgalan na uli bago siya nabuntis, nsa 20s na siya nung nabiyayaan uli siya ng baby and now healthy and strong ang baby girl niya, kaya ang masasabi ko lang ingatan mo sarili mo, wag maxado pa stress lalo na sa sasabihin ng ibang tao, ang be ready na iaccept yung reaponsibility as a mother, oo masyado ka pang bata and hindi dpat tinitolerate yan, pero anjan na yan, learn your lesson and gawin mong inspiration ang anak mo sa lahat ng bagay, lalo na sa buhay.
Đọc thêmok lng yan sis, at least di mo pinalaglag at pinanindigan mo ang buhay na ginawa mo, medyo mahirap yan pero masasabi ko lng eh.kaya mo yan kc galing din ako jn at age of 15 i get preg. and at the age of 16 i give birth to my eldest. di nmn purke bata naging ina masama na, mas masma ang di hinarap ang pag kakamali at gumawa pa ng kasalanan.. advice ko mag aral ka ulit for the future ng baby mo at sau, be responsible. being a parent is hard but if you put god and you baby in your life or goals nothing is impossible. 😊
Đọc thêmtatagan mo lang loob mo ako non nabuntis 17,nanalangin lang ako non sa mahal n dyos n wag ako pabayaan kme ng magiging baby ko, at itatak mo lagi sa isip mo n wla kang pera para maginarte hahaha, ayon nkaraos ako at kinaya, kasi wla nmn tutulong na iba sayo kundi sarili mo . nandyan nmn parents at in law ko pero dhil nga nabuntis ako ng maaga nahiya ako mag inarte kaya kinaya ko tlga pra sa Amin.
Đọc thêmGod won't give that baby if you can't handle it, he give it for a reason. always put god in your life. make your baby the reason to move forward and strengthen you from any challenges in life. love your baby and yourself more, don't give up in your dreams and full filled it. 😊
tatagan mo lang loob mo beh,sa una nakakatakot at nakakakaba pero pag nakita mo na si baby mo di mo gaanong mararamdaman lahat ng sakit na pinagdaanan mo and stay healthy and take vitamins lang lagi kasi need yun ng baby mo para healthy din siya🤗💗
ang masasabi ko after mo manganak pls family planning or contraceptives ka ah pra hnd dumami ang anak mo kasi mahirap ang buhay. Tatagan mo loob mo pra sa anak mo. Makinig ka din sa doctor mo dhil high risk ka since minor ka pa. Always pray to God
Be strong and mag ingat lagi lalo sa mga kinakain. Make sure may monthly check up sa OB para na momonitor kayo. Kasi high risk tlaga ang teenage pregnancy. Mas sensitive kayo compared sa mga late 20s.