"10 weeks pregnant here. Lately away kami ng away ng partner ko."

10 weeks pregnant here. Lately away kami nang away ng partner ko, to the point na sumisigaw na ako sa sobrang galit ko. Yung partner ko sa halip na tumigil, sinasabayan pa ako at sinisigawan na rin ako. Hindi ako nakatulog nun kahit pagod na pagod ako, yung puyat ko nun ramdam ko pa din hanggang ngayon. Nag-aalala ako sa baby ko. Kanina nag-away na naman kami, dahil galit na galit ako sa pagsisinungaling nya. Ayaw na ayaw ko nun. Sa halip na humingi ng pasensya, ininsulto pa ang pamilya ko at minura ako. Mabait naman siya at maalaga, pero hindi ko gusto na sinungaling sya at nagagalit talaga ako. Kapag nagconfront naman ako, sinasabayan lang yung galit ko. Parang nakalimutan nya na buntis ako. Naaawa ako sa anak ko at nag-iisip din ako sa future namin. Parang ang hirap makisama sa lalaking sanay magsinungaling. Hindi kami kasal at first baby namin ito. Siguradong hindi na naman ako makakatulog ngayong gabi. 😢 Hindi ko masabi sa pamilya ko yung problema, hindi ko rin masabi sa kanila dahil matanda na rin ang parents nya at alam kong magagalit sila sa partner ko. Ang sakit sakit lang. Bakit ang hirap sa kanya maging honest sa akin, na kung tutuusin hindi ko naman dapat ipagmakaawa yun sa kanya. Siya pa tong galit. Ang sama sama nang loob ko. Sorry, kailangan ko ilabas.. 😭

10 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

We dont know the whole story naman mhie. Bakit ng sisinungaling ano ang di sinasabi sayo? There is always 2 side of the story. Kung ganyan ugali ng partner mo, give way. ikaw maging calm baka kulang lng din sa pag intindi si partner mo or baka naman tayo din minsan ang may problema kasi yung point lang natin ang gusto natin maka tawid sa kwento. Be calm and explain mo sa kanya bakit ka nagagalit and bakit sya nag sisinungaling??? If sa maayos nyo na pag uusap di padin talaga mag tanda and mag bago e nasa kanya na ang problema, share it sa family nya kasi mas kilala nila partner mo. wag sa family mo kasi ikaw kakampihan ng family mo. If ok nmn kayo ng inlaws mo share it sa kanila para ma tulungan ko. You deserve what you tolerate ika nga nila. Never ever wait na umabot sa pisikalan ang away nyo. 10x ng na fefeel mo ang na fefeel ni baby nyo.

Đọc thêm

Mag usap kayong dalawa. Himayin niyo ang problema niyo Kayong dalawa lang ang makakasagot niyan Ipaintindi mo sa kanya ang sitwasyon mo in a nice way kausapin mo ng masinsinan without shouting. Magpakumbaba ka and antayin mo siyang kumalma kausapin mo ng maayos at dun mo sabihin lahat ng red flag mo sa kanya. Para masolusyonan niyong dalawa kung ano ba talaga ang problema. If hindi mo kaya kausapin mo mga magulang mo pero kapag di mo din masabi sa kanila pwede mong ikwento sa mga kaibigan mo para makagaan ng loob mo and mabigyan ka nila ng Kalinga lalo na sa ngayon na need mo talaga ng mag aalaga sa iyo. Ipaintindi mo sa partner mo na nagdadalaa ka ng tao and sobrang laki ng impac niyan sa iyo ang mga ginagawa niya. Mag usap kayo ng maayos.

Đọc thêm

dpat cnsabi mo sa parents mo wag mo sinasarili.. ganyan din ako.. uwi kna muna sa parents mo.. pag sinundo ka ng partner mo dun nyo pag usapan un problema nyo.. ang hirap ng wlang.napagsasabihan parang sasabog dibdib mo lalu buntis emosyonal lalu..

11mo trước

bawal po kayo mastress baka mag cause pa po yan ng miscarriage 😢 been there before sobrang stress talaga ko that time pero di naman sa hubby ko sa kung ano ano lang then nag iiyak iyak ako

hiwalayan mo na. yan na ang ugali nya, never ng magbabago yan. habang maaga umalis ka na. madami pang iba makakakita ka ng walang skait sa ulo. sakit sa ulo yan, mawawalan ka ng peace of mind.

timbangin mo momshie at kung ano yung mas importante sayo at pag isipan mong mabuti kasi ikaw lang din ang makaka sagot nyan momshie..

Influencer của TAP

dapat maging possible ka lang sis kase buntis ka sobrang affected po yan sa baby kawawa naman pag labas niyan

11mo trước

opo ano po pwede mangyari sa baby paglabas, 9mos na po ako, away din kami ng away sa 9 mos na yun :(

virtual hugs po , kaya mo yan always choose your peace and wellness of your baby

Influencer của TAP

baka mag ka apekto yan sa baby mo .. be strong sis

Thành viên VIP

bawal ma stress mii lalo kung first tri mo palng

You & your baby deserve better.