1 month na akong nakakapanganak pero parang nadedepress ako. Bale may sarili na naman kaming bahay ng husband ko pero di pa sya tapos dahil na rin sa pandemic. After naming ikinasal sa bahay ng kapatid ko kami tumira muna since di naman yun tinitirhan. Nitong kabuwanan ko hanggang sa nanganak ako tumuloy na muna kami sa bahay ng mga magulang ko. Pero nung nalift ang lockdown dito sa amin, sinabihan ko na husband ko na gusto ko na lumipat kaya ituloy na niya pagpapagawa ng bahay namin para doon na kami tumigil. Agree naman ang husbang ko at sya na daw bahala. Kaso nung una di agad nakapag umpisa kasi yung kapulong nya sa pagpapagawa ng bahay ay may project na nauna sa ngayon (tiyuhin kasi nya kaya di makapagdemand na unahin amin). So ok naman sa akin sabi ko basta bago magseptember makalipat kami. Nung nagtagal nagsuggest na ako pati ang aking ama na maghanap na lang ng ibang gagawa kaso sabi ni husband gagawin naman daw ng tiyuhin nya. Kaso until now wala pa din. Tinanong ko kung kelan talaga gagawin kaso wala sya masabi kung kelan. Nagpaliwanag ako na sana naman tiyak na yung sched na paggagawa kasi ayaw ko na din manuluyan. Kaso lagi sya nagagalit at sabi lagi na basta gagawin. Tas inulit pa nya na pede na naman daw lipatan kahit di pa tapos gawaan. Paliwanag ko naman may baby na kami kaya mahirap naman lumipat kung tuloy pa gawaan. Hayzz. Pasensya na po kasi ito pinag uumpisa ng away namin. Humiram pa kami pera sa kapatid ko para matuloy na gawaan kaso naubos na pera di naman natatapos.. hayzz.. nagagalit na ako sa kanya kaso mas nagagalit sya sa akin. Di ko na sya maintindihan. Advice naman po.. salamat po