Mga sakit ng kabataan na maaaring maiwasan ng mga bakuna #TeamBakunanay #AllAboutBakuna

1. Diphtheria (Ang ‘D’ sa DtaP na bakuna) • Kasama sa mga palatandaan at sintomas ang makapal na nakabalot sa likuran ng lalamunan na nagpapahirap sa paghinga. • Ang diphtheria ay maaaring mauwi sa mga problema sa paghinga, pagkaparalisado at pagpalya ng puso. 2. Tetanus (Ang ‘T’ sa DtaP na bakuna; kilala rin bilang Lockjaw) • Kasama sa mga palatandaan at sintomas ang masakit na paghihigpit ng mga kalamnan, kadalasang sa buong katawan. • Ang tetanus ay maaaring mauwi sa paninigas ng panga na maaaring magpahirap sa pagbuka ng bibig o paglunok. 3. Pertussis (Ang ‘P’ sa DtaP na bakuna, kilala rin bilang Whooping Cough) • Kasama sa mga palatandaan at sintomas ang bayolenteng pag-ubo na nagpapahirap sa sanggol na kumain, uminom, o huminga. Tumatagal ang mga atakeng ito nang ilang linggo. • Ang pertussis ay maaaring mauwi sapneumonia, mga seizure, pinsala sa utak, o kamatayan. Ang pertussis ay maaring maging mapanganib sa mga sanggol. 4. Hib (Haemophilus influenzae type b) • Maaaring kasama sa mga palatandaan at sintomas ang lagnat, pananakit ng ulo, stiff neck, pag-ubo, at kakapusan ng paghinga. Maaaring walang anumang palatandaan o sintomas sa mga banayad na kaso. • Ang Hib ay maaaring mauwi sa meningitis (impeksyon sa utak at mga nakabalot sa spinal cord); pneumonia; mga impeksyon sa tenga, sinuses, dugo, kasu-kasuan, buto, at hilatsang nakabalot sa puso; pinsala sa utak; matinding pamamaga ng lalamunan, na nagpapahirap sa paghinga; at pagkabingi. 5. Hepatitis B • Kasama sa mga palatandaan at sintomas ang pagka-pagod, pagtatae (diarrhea) at pagsusuka, jaundice (paninilaw ng balat o mata), at pananakit ng kalamnan, kasu-kasuan at sikmura. Ngunit karaniwang walang anumang palatandaan o sintomas. • Ang Hepatitis B ay maaaring mauwi sa pagkasira ng atay, at kanser sa atay. Ang ibang tao ay nagkakaroon ng chronic (pangmatagalang) na impeksyon ng hepatitis B. Maaaring hindi mukhang may sakit o nakararamdam na may sakit, ngunit maaari silang makahawa ng ibang tao. 6. Polio • Maaaring kasama sa mga palatandaan at sintomas ang mala-trangkasong lagnat, o walang anumang sintomas na lalabas. • Ang polio ay maaaring mauwi sa permanenteng pagka-paralisado (hindi maikilos ang braso o paa, o kung minsan ay hindi makahinga) at kamatayan. 7. Pneumococcal Disease • Kasama sa mga palatandaan at sintomas ang lagnat, pangingilig, pag-ubo, at pananakit ng dibdib. Maaaring kasama sa mga sintomas ang meningitis, seizure at minsan pamamantal sa mga sanggol. • Ang pneumococcal disease ay maaaring mauwi sa meningitis (impeksyon sa brain at mga nakabalot sa spinal cord), mga impeksyon sa tenga, sinus at dugo,pneumonia, pagkabingi, at pinsala sa utak. SOURCE: www.immunize.org #pregnancy #1stimemom #firstbaby #ProudToBeABakuNanay #AllAboutBakuna #TeamBakuNanay #HealtierPhilippines #VaccinesWorkforAll #TAPVIPInfluencer #tapviparent #TAPVIP #vaccine #Bakuna #immunizations

1 Các câu trả lời

VIP Member

Salamat po nito. 😊 Kailangan ko po ulit ito kasi di na masyado familiar sa akin ang mga previous vaccines ng baby ko.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan