Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Hoping for a child
BEST FORMULA MILK FOR 1 YEAR OLD
hi mommies! ano pong magandang formula milk for baby na 1 year old.. mas maganda sana yung may brain development na sinasabi nila.. pure bf si baby ngayon, plan ko po i-mix si bb. thanks po. #advisepls
baby's food
mommy. nagbblend po ako ng food every morning. hinahaluan ko po ng breastmilk para kainin niya. yung half po na blinend ko pwede ko po bang ilagay sa ref at ipakain ulit sakanya pagdating ng hapon? okay lang po ba yon? thanks po sa answer.
insect bite
hi mommies! hindi maiwasan ang pagkagat ng mga mosquito, ano pong gamot na pwede kay baby ko? kinakamot niya kasi minsan. and para gumaling agad and hindi mangitim. salamat po mga mommies.
All about food of my baby
Hi mga mommy! Any tips and advise po. (Wag niyo po ako i-bash) My LO is 7months old. Before, kumakain siya ng biscuit. Then, inistop ko siya kasi sabi ko need niya mga healthy food. Ginawa ko po, nagpuree ako ng veggies sakanya. (Pero ayaw niya, hindi niya kinain) Sinubukan ko cerelac, ( kahit ayoko sana, pero worried na ako kasi ayaw niya kumain) nung nag cerelac siya, nauubos niya and bitin na bitin pa yung mga binigay ko sakanya. Nagtry ako veggies flavor, ayaw na naman niya kaya bumalik ako sa rice flavor. Now, sinubukan ko uli magpuree carrots and potato, hinaluan ko ng milk ko. Kumain siya, pero konting konti lang. Hindi kagaya nung kain niya sa Cerelac. I feel bad kasi hindi ko na alam paano ko siya mapapakain ng veggies. Dibaleng mag-effort ako basta kumain siya ng fresh. Ano pong gagawin ko? Para hindi siya mamili sa food. Salamat po mga mommy!
pananakit ng sikmura. :(
ptpa. Baka po may kaparehas ng case ko.. CS po ako.. 7mos na po si LO ko pure breastfeed po siya, injectable po ako for second time (family planning) malakas ako kumain.. pero nitong mga nakaraang araw palagi na sumasakit sikmura ko, on time po ako kumakain ng food. any advise po? normal po ba to? (hindi pa po kasi makapagpacheck-up , dahil lockdown) maraming salamat po..
LIP Concern
Hello po! May concern lang po ako. As a wife or should I say tatay ng lo ko. Tayo po ba ang dapat humahawak ng ATM ni Mister? Hmm. Qinuquestion kasi ako ni LIP kung bakit ko daw kukunin yung ATM niya. Parang ansakit kasi sa part ko na wala naman daw sa usapan namin na kukunin ko ATM niya. Sabi ko naman para ako na ang magbubudget s a expenses namin etc.. Kayo po mga mommies, pashare naman po ng expi niyo and advise nadin po. Thank you pp.
Bottle Feeding
Hi mommy! Pa-suggest naman po, paano turuan si baby magfeed sa bote? Ilang beses na ako nagpump para sa bote siya magdede pero nasasayang lang yung milk ko.. Ayaw niya sa bote, umiiyak lang. Gusto niya lang saken. :( (Btw, pure BF po si baby) TIA
Dishwashing Liquid?
Mommy. Ano pong maganda at dapat na sabon panlinis po ng mga bottles ni baby? Yung mura lang po. Salamat po.
RASHES!
Mommy's. Anong magandang pwedeng ilagay sa leeg ni baby? Hindi nawawala yung rashes niya. Every night sa pagtulog niya palagi niya kinakamot. Naglolotion siya ng Cetaphil minsan, hindi din siya hiyang sa lactacyd na pang bath. Sana po may makasagot. TIA
COUGH
mommies, nagpapabreast feed po ako. may cough po ako. Ano po kayang magandang pwedeng inumin ko? Sobrang kati po ng lalamunan ko. As in! Binigyan ako ng tita ko ng citirizine, pero lalong lumala pangangati ubo lalo ako ng ubo. ano po kaya pwede kong itake while nagpapaBF ako. please help po. please. thank you.