Vi Ann Parcon profile icon
Kim cươngKim cương

Vi Ann Parcon, Philippines

Contributor

Giới thiệu Vi Ann Parcon

Mother to a little prince

Bài đăng(49)
Trả lời(381)
Bài viết(0)

Postpartum

Hi po! 🙋🏻‍♀️😊 Gusto ko lang po ishare 1st week experience after I gave birth. Pansin ko lang na napaka sensitive ko ngayon. Walang wala noong buntis ako. Naiyak din ako noon pero pag mabigat na talaga yung problems o mga isipin ko. Pero ngayon, kahit sa maliit na bagay ay naiiyak na lang ako. Naiiyak ako sa tuwa everytime makikita ko yung baby ko na mahimbing ang tulog, sa 1st time na kakaibang movements ni baby, pag nakikita ko partner ko na grabe yung alaga sa anak namin. Kasi siya yung nakilos sa lahat. Di ako sanay. Hahahaha. Dalawa kaming inaalagaan niya. Naiiyak ako sa lungkot pag na ppressure ako tungkol sa pag breastfeed kay baby dahil noong mga unang araw, sinasabi nila wala akong gatas. Sinusuggest agad na ibili ng gatas. Na nakakaawa pag umiiyak kasi baka walang nakukuha sakin. Yun lang yung pinaka struggle ko kasi ako gusto ko ibreastfeed anak ko. At alam ko naman na meron akong gatas at hindi agad naman e punong puno ang dede ko ng gatas dahil ilang days old pa lang anak ko. Naiiyak ako sa lungkot kapag may di napag sasang-ayunan kami ni partner sa pag-aalaga kay baby(Maarte kasi siya kaysa sakin, hahahaha). Pag minsang naiisip ko yung family ko, wala kasi sila sa side ko. Di makauwi dahil sa Covid. Kaya naman nalulungkot ako at naiiyak pag nammiss ko sila. At mas lalong naiiyak ako everytime na iniisip ko na kailangang kailangan ko alagaan sarili ko. Bukod sa di pwdeng magkikilos at baka mabinat, kailangan kong maging healthy para kay baby. Eh hindi naman ako sanay ng pahingang pahinga. Gusto ko maging okay agad ako dahil ayokong maging burden sa iba. Nasanay na kasi akong mamuhay mag isa. Yun lang. Haha. Kahit mixed feelings, sobrang thankful pa din ako sa blessing ni Lord. Everyday, pinagpapasalamat ko na healthy baby ko. ❤ Sa mga new moms po dyan, enjoy niyo lang po yung experience. Haha. At don't forget to pray po 🥰🥰🥰 #postpartum #firstbaby

Đọc thêm
Postpartum
 profile icon
Viết phản hồi