Thel Lozano Pasion profile icon
BạcBạc

Thel Lozano Pasion, Philippines

VIP MemberContributor

Giới thiệu Thel Lozano Pasion

Mama of 1 energetic son

Bài đăng(1)
Trả lời(14)
Bài viết(0)

Lalaki sa apartment

Hello mga ka-TAP I just wanna share my scariest ghost story. Nangyari ito noong highschool lamang ako. 2nd year highschool ako noon at ang schedule ko ay panghapon pahirapan ang sakayan sa sobrang dami naming estudyante, idagdag pa na ang oras ng uwian namin ay rush hour nakakarating ako sa bahay ng 8-9pm. Wala ako kasama sa bahay dahil nagrerent lang kami ng mga kapatid ko. Kanya kanya kami ng oras ng uwian, ako unang dumadating. Pagdating ko sa bahay akyat ako sa kwarto para magbihis at magpahinga. Pagbabasa ng pocketbook ginagawa ko noong oras na iyon. Habang nakahiga ako at nagbabasa ng pocketbook napansin kong may naglalakad sa hagdanan, medyo mabagal, mabigat ang lakad, at parang naka combat shoes. Ah! Napaaga ata ng uwi ng kuya ko kaya hinintay ko dumaan dahil nakabukas naman ang kwarto ko at sa dulo pa ang kwarto ni kuya ngunit walang kuya ang dumaan. Napatayo ako at sinilip ang hagdanan ngunit walang tao. Bumalik ako sa kama at maya maya pa ay naririnig kong may kumakain sa ibaba pinagisipan ko kung bababa ako o hindi, pero pinili kong bumaba, naglakad ako sa hagdanan ngunit huminto ako sa kalagitnaan at sinilip ko ang ibaba, malinis ang mesa walang plato o kutsara tinidor na maaring magpaingay. Sa takot ko tumakbo ako paakyat sa kwarto. Maya maya naririnig ko uli ang mga yabag sa hagdanan. Wala akong magawa kundi magtalukbong at magdasal. Kinabukasan bumili ako sa tindahan at ang sabi saakin "bakit kayo tumira dyan, hindi ba sinabi sainyo na may lalaking nagbigti dyan bago kayo lumipat dyan, hindi ko alam kung bakit pero bago nagbigti ay kumain muna bago umakyat sa itaas upang magbigti" sa gulat ko kinausap ko ang aming tatay na lumipat nalang kami ng apartment. Ngunit hindi ganun kadali makahanap ng malilipatan ulit dahil lahat kami ay estudyante at malalayo ang unibersidad ng kuya at ate ko. Kaya ang ginagawa ko sinasadya kong umuwi ng 10pm para makaiwas sa oras ng kanyang pagbigti. Isang gabi nakasarado ang pinto, pero naaaninag ko sa bintana na may babaeng nakaupo at nanunuod ng tv inisip ko na nakarating na si ate. Ngunit pagpasok ko walang taong nakaupo at nakabukas lang ang tv! Umakyat ako sa taas at nakita ko ang ate ko na tulog. Kwinento ko sakanya ito at pati sya nakakaramdam ng kakaiba sa kwarto na parang may naaaninag syang isang lalaki sa gilid ng kanyang paningin. Mabuti nalang nakahanap na din ang father namin ng apartment at agad kami lumipat. #MagandangGabi

Đọc thêm
Super Mom
 profile icon
Viết phản hồi