Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
powermom
patulong po..
Hello mga moms.. Ano po pwedeng sabon or ointment sa ganitong butlig.. Yong recommended by pedia po..? Sobrang worried po ako.. Salamat po.
legit check
Hello po moms.. Gaano po ka legit ang thermometer like this..? Medyo mainit kasi c baby pero normal lng temperature niya sa thermo.. Sana po may makasagot.
My everyday blessing!
Hi sa lahat ng first time Moms.. Ako Lang ba ang nakadama na baka mali ang pag aalaga ko kay baby. Baka di ko kaya mabigyan cya ng tamang pag aalaga. Baka mali ginawa ko.. Nakaka stress minsan. Motherhood is exhausting but I will be forever grateful for nobody and nothing in this world can replace the love and happiness I have for my baby.. Laban Lang!
pa help po
ano po mga sintomas ng kabag sa baby? at ano pod pwedeng gamot. kanina pa kasi cya umiiyak at di mahimbing ang tulog.. sana po may makasagot. FTM here
pa help po mga moms..
Ano po ito? At ano po pwedeng gamot? She is now 12 days old. Salamat po.
Best smells in the whole world!
Just wanna share with you our story.. EDD: June 25, 2020 DOB: July 2, 2020 Meet my little feet.. SHEMAIAH Sobrang worried na ako last June 25 since no sign of labour Pa rin and due ko na. So kino contact ko OB ko.. Nag IE kami, 1 cm pa daw.. Hanggang sa mag June 28, wala Pa din.. Takot na ako talaga.. Kung anu-ano na naisip ko.. June 29, nag IE ulit kami ng OB ko 3cm na.. Medyo kumalma na ako pero andun Pa rin ang worry.. Hanggang mag june 30 may bloody show na.. Natuwa na kinakabahan na excited ang feeling ko.. Kinontak ko uli OB ko sabi nya admit na Daw.. Nang mag IE kami around 11:00pm 3cm pa. Andun bumalik na naman kaba ko.. Pero admitted na ako. Dun na ako sa. Labour room.. Nakadagdag Pa ng kaba.. Ako lng dun.. Kasi bawal c husband sa loob. Hanggang sa mag june 1.. 3cm Pa din.. Worried na din OB ko.. Yon tinusukan na ako ng pang pa induce.. Medyo na feel ko na ang sakit.. Around 10:00 pm pag IE 7cm na at masakit na talaga... Then around 11pm ng 9cm na.. Natuwa na natatakot at kinakabahan na ako pero andun Pa rin ang excitement.. Around 11:30pm nagsabi na ako na doc parang may lalabas na. Panay ere ko sa sakit.. Pinasok na ako sa delivery room.. Hanggang sa namalayan ko nlng na kinakabitan na ako ng oxygen.. Pareho bumaba heartbeat namin ni baby.. Ang hirap umire pag naka oxygen.. 30mins sobra nang pag ere at push.. Medyo tumaas na boses nang OB ko.. Sabi nya last ere Mo na to pag di ko Pa nailabas si baby E CS daw ako.. Kasi nanganganib buhay namin.. Nag 80bpm c baby. Sobrang baba na. Tapos ako lupaypay na. Wala na ako iba naisip mga moms.. Sabi ko.. Ito na.. Para sa baby ko.. Kahit di para sa akin. Basta mabuhay lang baby ko.. Tinodo ko na ang ere........................... Wala na akong makita at naririnig.. Dumilim na paligid ko.. Hanggang sa makarinig ako ng iyak ni baby.. Nasabi ko.. July 2, 2020 @12:21am oras na Nabuhay ako uli.. Hehehe. Praise the Lord.. Nakaraos ako... Via Normal delivery.. Sobrang strong din ng baby ko.. Hindi niya hinayaan manganib buhay ko.. Sa OB ko rin na kinakabahan ng todo.. Pero nanindigan at naniniwala. Na makakaya namin.. Sobrang thankful ako.. Sa mga mommies na di Pa nakaraos.. Kayang kaya niyo yan.. Pray lng at tiwala sa sarili at kay baby.. GOD BLESS po..
40weeks and 3 days..
Halos maiyak na ako sa sobrang worried kasi di Pa ako nag sa sign of labor.. May iniinom ako na primerose at uminom na din na pineapple.. Squat at lakad every morning.. Bakit wala Pa..? Huhuhu.. Kinakabanahan na talaga ako
40 weeks today... (kinkabahan)
Hello mommies.. No sign of labour Pa po ako.. I'm a first time mom.. Normal buh na lalampas sa due date ang delivery.. So.. Worried..
38 weeks and 4 days..
Madalas na pag ihi... Masakit ang balakang... Hirap bumangon.. Excited na kinakabahan..