Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Excited to become a mum
Need advice & Opinion.
Yung bby ko po kasi 7mos na, nagkaroon siya ng dry skin both siko niya nung 3or4 mos ata siya non basta ganun months ko napansin maliit lang siya nung una. Eh napapansin ko habang lumilipas yung buwan parang lumalaki nagkakaroon na din siya sa puwet, ang nilalagay ko lang cethaphil mozturing. Yung sa puwet nawawala naman pati sa both na paa parang pabilog na dry skin, nawawala din yung sa siko niya nawawala minsan pero bumabalik? Balak ko siya ipa check up bukas kasi natatakot na ako, kinakabahan baka kung ano na. Sa mga momies na nakaranas ng ganito sa bby nila ano po nangyari? Photo on cb.
NALAGLAG SA KAMA 7MOS OLD BBY GIRL.
Kahapon po kasi ng umaga nauna pong nagising yung bby ko usually po kasi pag nagigising siya ginigising na din niya ako like lalapitan oh kukurutin yung mukha ko, kaso kahapon tahimik lang siya nagising I think siguro dahil malapit sa dulo ng kama namen sa gilid non may pulang box nilapitan niya kaagad kaya nalaglag siya. sakto nasa kusina ang mami ko ang may narinig siya may lumagapak eh yung taas ng kama namen mga hanggang hita ko yes mataas siya kasi gawa lang ng hubby ko yung kama na yun, dali dali takbo ng mami ko nakita na niya bby ko sa lapag na eh semento yung baba namen, sinigawan agad ako para magising pagkagising ko nanginginig na buong kalamnan ko dahil sa takot kasi yung anak ko iyak na iyak ng malakas Pero tumahan agad. Agad ko siya inobserbahan mga sis hindi naman siya nahimatay nung nalaglag or nagsuka may bukol lang maliit malapit sa puyo wala din bleeding, hindi din nilagnat, hindi naman matamlay, para wala nangyari. Hindi ko siya pinatulog agad ng mga 3 hours. Ang point ko ngayon hindi parin mawala sa isip ko maya maya na ako nagulat kahit mahimbing tulog ko natatakot pa din talaga ako.. feeling ko wala akong kwentang ina.. mga momies ano pa dapat mga obserbahan ko sa bby ko? Sa tingin niyo okay lang ba siya? NATATAKOT TALAGA AKO KAPAG NAALALA KO.. LALO NA KAPAG TINITITIGAN KO ANAK KO HINDI MAWALA MAWALA SA ISIP KO . ?