MY ORIGINAL RECIPE OF MENUDONG BABOY ❤️
Ingredients: •Laman ng baboy or kasim •Atay ng baboy •Carrots •Patatas •Bellpepper •Bawang •Sibuyas •Calamansi •Toyo •Tubig •Pamintang crack •Mama Sita's (Menudo) •Magic Sarap Procedure: •I-marinate ng magkahiwalay ang laman ng baboy o kasim at atay ng baboy sa calamansi at saktong dami ng toyo sa loob ng 1 oras •Magpainit ng kawali oo kaserola •Maglagay ng konting mantika pag mainit na ang kaserola o kawali •Igisa ang bawang at sibuyas •Isunod na igisa ang atay ng baboy at hintayin na maluto •Isunod ang laman ng baboy o kasim at palambutin •Maglagay ng pamintang crack •Isunod ang carrots at ilagay ang patatas kapag medyo malambot na ang carrots •Pag malambot na ang lahat ng rekado ay maglagay ng saktong dami ng tubig para sa sarsa at hintaying kumulo •Sunod na ilagay ang Mama Sita's at haluin •Pagkatapos ay maglagay ng magic sarap at ilagay na din ang bellpepper •Pag kumulo na ay patayin na agad upang hindi ma-overcook ang mga rekado. #MyOrigRecipe
Đọc thêmCreamy and Meaty Spaghetti Ingredients: | Spaghetti Sauce | •2 kls. Spaghetti Sauce •1kl. Ground Beef/Pork •Hotdog •Cheese (Grated) •1 big can Alaska Condensed •Garlic •Onion •Bellpepper •Cracked Pepper •Soy Sauce •Magic Sarap | Spaghetti Pasta | •1 kl. Spaghetti Pasta •Dairy cream or oil •Salt Procedure: | Spaghetti Sauce | 1. Prepare all the ingredients. 2. Igisa ang bawang at sibuyas. 3. Isunod ang ground beef/pork at lagyan ng konting soy sauce pampakulay. 4. Kapag luto na ang ground beef/pork, isunod ang hotdog. 5. Kapag luto na ang hotdog, isunod na ilagay ang cheese at condensed milk. 6. Isunod ang spaghetti sauce. 7. Hintayin kumulo at ilagay ang cracked pepper at magic sarap. 8. At ilagay na ang bellpepper. | Spaghetti Pasta | 1. Magpakulo ng tubig na may dairy cream or oil at salt. 2. Pag kumulo ay ilagay na ang pasta. 3. Hintayin na kumulo at hinaan ang apoy. 4. Hintayin na lumambot at isala na ito. 5. Ihanda na ang spaghetti pasta at sauce. #GoToHolidayRecipe
Đọc thêm