Ano po kayang mabisang gamot or pwedeng gawin pag cs mom kasi simula nung nanganak ako never pang nawala sakit ng likod ko. Hirap minsan tumayo, humiga, tagilid lang lagi ang pwesto kaliwa kanan yan lang dapat pwesto ko. Hindi pwedeng straight kasi mas nangangalay at sumasakit. June 2020 pa ako nanganak. Pero hanggang ngayon iniinda ko pa rin po ang sakit. Hirap pong tumayo nung una kumilos. Una tuhod lang at likod. Sunod nakakatayo na ng ayos yung likod nalang po lagi pong nasakit. Lalot pag galing sa higa. Nagwoworry na po ako kapag nasakit hindi ko kinakaya pero pinipilit ko pong makatayo kasi may twins akong babies. Ako din lahat nakilos. #helpmeplease #sasitwasyonkopo.
Đọc thêm