Nikeee profile icon
Kim cươngKim cương

Nikeee, Philippines

Contributor

Giới thiệu Nikeee

Preggers

Bài đăng(39)
Trả lời(89)
Bài viết(0)
sinabay namin ang bday at binyag ni baby. sat ang bday nya ginawa namin ng sunday. sinelebrate namin ng fam namin lang yung sat na actual baday nya, then sunday yung tipong bongga yung mga inimbita namin. ginawa namin yung binyag at bday sa isang resort. sa count ko medyo madami ang ninong. di naman po need na pantay ang bilang nila. medyo dumami ang mga sponsors, 15 sila. sinulat namin lahat yun names nila sa simbahan, kasi dun sa church di pwede pumasok ang hindi ninong at ninang, medyo maselan ang napili namin na church. pero depende yan sa church nyo, ask nalang po kayo if may kakilala kayo na dun din nagpa binyag. minsan kasi pagdating sa church mostly na tanong kung need ba isa lang na pair ang isulat kasi may bayad, opo may bayad 150 per sponsor. anyway. then, ang napili ko souvenir is mug na may names ng mga ninong at ninang yung mug na pinagawa ko nasa 2k, then nag add ako ng pinamigay ko souvenir na ref magnet nasa 50 pcs worth 2k din. and then sa pag decor, sa resort may package na pwede sila ang kunin namin na mga decor sa event, but kumuha si husband ko ng iba. nag decor at cater at clowns nasa 65k 130 pax and 20 kids yung set meron nadin po pala yun lights and sounds and photoboot tapos nauwi namin yung pic at name na maganda ang design nakadisplay sa room namin.. tapos yung suot ni baby, nag 2nd hand lang sya dahil minsan lang isuot photoshoot lang. 3 yung dress, worth 2k top to bottom na yun sa fb lang kami nagtingin, mga minsan lang din nasuot sabi nila hahaha naniwala naman ako kasi totoo, pagkatapos ng event ni baby di na nya sinuot yung mga binili kong gown nya, buti nalang di nako namili pa sa mall, tapos yung pabitin at loot bags na pamigay sa mga kids dahil nagpa games, namili lang kami sa market or sa mga malls, bet ni hubby na punta sana ng divisoria pero super gahol na sa time. ito yung nastress ako, ang hirap pala nung part ng loot bags ako mismo nag prep neto e. mga chocolates at candy at laruan sa palegke mga binili ko hahaha 3mos before yung bday ni baby nag prep nakami, may mga kausap nakami mga event organizers, at lalo na yung venue that time maselan bawal pa ang bata na papasukin. may mga napagtanungan kami na strict sila sa pax at mga bata, natural dapat may bata kasi bata ang celebrant hehehe buti nakakuha kami ng resort na medyo tago di gaanong maselan. resort napili namin dahil summer po ang season ng bday ni baby hehehe nitong 2022 lang din to. Pasensya na and not to brag po ha, baka lang may makuha kayo idea dyaan sa ginawa namin, kasi nabanggit ko 3 mos before nag prep nakami pero may nilaan talaga kami para sa event, dahil una pa lang plano na namin na pagsabayin talaga ang binyag at 1st bday kaya medyo napagastos kami but nakabawi naman po kami dyaan kasi may lalabas may papasok na pera. Syanga po pala, nagluto din ng separate ang side ko just in case, pero ang ending nasabi ko buti nalang nagluto pa sila. 3 dishes lang at alak at softdrinks at water, at isda pulutan ang dala nila. ito po di namin covered na mag asawa, nagshare share sila sa bahay parang gift nadin daw. thankful ako nun kasi marami nagshare po. Sumobra nga po pala kami sa pax umabot ng 200 pax sabi nung nag cater hehehe buti nalang talaga may pasobra.
Đọc thêm
 profile icon
Viết phản hồi