Finally Baby's OUT Dec.23, 2022 40weeks @ 2.9kg via normal delivery First Baby❤️
EDD: LMP: Dec.20 1st utz: Dec.22 2nd utz: Dec.24 DOB: Dec.23, 2022 SKL: Dec.20 - no sign of labor & closed cervix. Akala ko i-induced na Ako Kasi as per check up ko Ng dec.18 sa lying-in need na NILA Ako i-induced. So Ayun nga pagbalik ko sa lying in Ng dec.20 Hindi Ako nainduced Kasi wait nalang daw namen Yung last due date ko na Dec.24. -( tagtag Naman Ako sa lakad at sa pagsakay Ng motor. Uminom na din Ako dito Ng primrose 3x a day at pineapple juice. Then kinakausap ko si baby at and praying to God na sana makaraos na kami ni baby Ng ligtas) Dec. 21 - still no sign of labor at closed cervix pa din. Dec.22 - Still no sign of labor kaya nag try na kami ni hubby mag nipple stimulation that night to induce labor naturally. So Ayun habang nagni-nipple stimulation bandang 8pm nakaramdam Ako Ng mild cramps sa puson. Dec.23 - madaling Araw and still mild cramps lang kaya inulit namen Yung nipple stimulation then Ayun na nga Meron Ng sign of labor. Sumasakit na Yung puson ko every 15mins at may dugo na na lumabas. This is it! lumabas na din mucus plug ko. -4pm Nag decide na kami ni hubby na pumunta Ng lying -in. - Pag Ka IE Ng midwife saken ay 8cm na Pala Ako so need na Ako i-admit.( Umuwi muna kami para kumuha Ng gamit) -5pm pagkadating ulit namen sa lying-in IE ulit and fully dilated na pero tolerable lang Yung pain at Walang paghilab kaya tinurukan NILA Ako Ng pampahilab o induced. -6pm every 5-mins interval Ng labor pain pero Wala pa din akong nararamdamang paghilab and namaga Yung kamay ko sa tinurok nilang pampahilab kaya tinanggal muna nila Yung swero ko. -7pm ganun pa din pero matindi na din Yung sakit but still tolerable pa din Naman and nakalakad pa ako skwat pa para bumaba na SI baby. -8:15pm tinurukan na ulit Ako Ng pampahilab then pinahiga na sa delivery room grabe Yung sakit Kasi Ang bilis Ng patak Ng pampahilab sa swero ko. Eto na nga subrang sakit na at taeng tae na ko..tapos di pa Ako marunong umire kaya tinulungan na Ako Ng midwife ipush SI baby. -8:25 FINALLY BABY'S OUT!! pero nakatae na Pala sya sa loob at nakakain na Ng dumi..Hindi sya umiiyak nun..nakailang hampas at alog Sila sa baby ko pero sa awa Ng Diyos umiyak din sya and subrang saya ko Ng marinig ko Yung iyak nya. Sabi pa nga ng midwife overdue na daw Ako and kung inantay ko pa daw Ang dec.24 (last due date ko as per utz.) Malalason na sana kaming 2 ni baby. Super Thankful Ako Kay God Kasi di nya kami pinabayaan.. Sa mga mommies Dyan..Kausapin nyo lang Si baby and wag kalimutan mag pray Kay God.🙂 #FTM #birthstory #nipplestimulation #primrose
Đọc thêm