Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Tama bang hingan ng share sa pagkain ang nakapisan na magulang at kapatid?
Hi, ako ay may asawa at limang anak at nakatira kami sa iisang bahay kasama ang aking nanay at bunsong kapatid ko na may isang anak, walang asawa at may trabaho naman. Ang nanay ko at kapatid ay nagaabot naman ng pandagdag sa pambili ng ulam namin kung may pera sila. Kapag alam kong wala silang pera ay di naman ako nanghihingi. Para sa akin ay parang hindi naman tama na humingi ako sa kanila ng pambili ng pagkain namin dahil mas marami kami at gasino lang naman ang kanilang kinakain. Ito ang lagi naming pinagaawayang magasawa. Sinasabi ng asawa ko na puro daw pamilya ko ang iniisip ko. Kulang na daw ang budget namin para idamay pa sa pagkain ang nanay at kapatid ko. Dapat daw ay humiwalay sila ng pagkain sa amin. Para sa akin hindi ko maaatim na gawin yun sa nanay at kapatid ko lalo na.at nasa iisang bahay lang kami. Hindi ganun ang pamilya. Lagi kung sinasabi sa asawa ko, e kung tira sa amin ang magulang at kapatid nya, pagbabayarin nya rin sa pagkain? Mali ba ako? Sobrang possesive din ng asawa ko, ayaw nyang sobrang close ako sa family ko. Kaiinisan nya yung mga taong kinagigiliwan ko.