Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Proud Momma of Marcus Elishua ❤
FEVER
Hi sa Mga Filipina Moms na nadito. I badly need your advice. Kasi ganto yan. May fever si LO which is as in pabalik balik na. Hindi yung pabalik balik na iniisip niyo. First of March nagkalagnat siya after 1day nawala din. March 4 to 7 nilagnat ulit. Pina-check up ko Anemic daw ang baby ko. Nagbigay ng Ferrous yung pedia pero dahil nung March 8 ng madaling araw nanginginig at nangangatog siya sa lamig dinala ko ospital. After 3days nakalabas na din kami. Actually dapat discharge na siya agad ng saturday march 9 kaso di kami inabot ng billing(wala din billing ng sunday) kaya monday siya ng umaga nakalabas. Ang findings UTI & Anemic daw Cefu naman ang binigay sakanya. After niya maconfine after a week nagsimba kami(march 17) pag kauwe sa bahay natulog siya tapos nung hinipo ko siya pag gising niya may lagnat na naman pinainom ko ng gamot nawala din after 3 days umalis kami again and yun pagkauwe nilalagnat nawala din. Tapos nito lang kahapon nag roadtrip kami from Baguio to Pangasinan then uwe to Bulacan. Nasiraan pa kami sa gitna ng toll way gabi na nun kaya sobra na-expose siya sa hamog dahil as in nasa gitna kami ng toll way yung damuhan dun. Pinahilot ko na din tatlong beses pero parang ala din nangyayari. May lagnat na naman LO ko ngayon at diko na alam bat ganto siya ???? HELP PLEASE ?
ODD HEAD SHAPE
Hi! Advice Please! ? So my baby has an odd head shape (Cone shape and parang medyo tabingi) Diko alam pano i-describe eh Cone head siya dahil tagal niya sa birth canal bago lumabas tapos mahilig siya tumagilid sa isang side lang sa kaliwa niya tapos ngayon feeling ko parang di na pantay ulo niya. 4months na siya going 5months pero cone head padin siya. Hinihilot ko din yung ulo niya gaya ng sabi ng iba pero parang walang nangyayari. Sa mga mommies na naka-encounter nito sa baby nila ano ginawa niyo para bumilog? May mga suggestions na helmet therapy daw pero hindi kaya ng pera ? Advice please ?
Conehead
Hi. I'm a first time mom. And I'm worried about my babys head(Cone head) Sabi nila bumabalik din daw agad pag conehead yung bata kaya medyo nagwo-worry na ako dahil 1month and 5days old na baby ko, conehead padin siya. Should I worry about my babys head ? Ps. Sabi ng OB ko kaya conehead si baby dahil naipit siya. Ang tagal niya naipit kaya kaylangan na ako i-emergency episiotomy. Kung tutuusin maliit lang baby ko. 5pounds & 15oz lang siya paglabas.