March 23,Nung Nakita Wala Ng heartbeat Ang baby. Pinapili kami ni Dra. Kung gusto ko magparaspa. Sabi ko try Kong ilabas thru medication. March 23-march 30 may ininom Ako 2 gamot,isa don ung primerose. March 30 - monitoring Kay dr. Wala pa Rin bleeding. From 6weeks old naging 5 weeks Ang size sa tvs. May nilagay syang 2 gamot sa loob Ng vagina ko. After an hour marami na lumabas, mga nasa 2 weeks din Yung bleeding, 1st week talagang malakas Siya Akala mo naglalabor ka sobrang sakit ramdam ko Yung nilalabas Kong buo buo. Then Nung napansin Kong very light nalang, sinubukan ko Ng bumaba Ng hagdan, dahil matagal tagal din akong nabed rest, tas may biglang lumabas na brown na buo. Then na next day umattend Ako Ng kasal. Napagod siguro Kaya may lumabas ulit. After makauwi nagpahinga na ulit Ako,buong weekend. April 17 bumalik na Ako sa work pero Hindi Naman Ako pagod sa office. (Monday to Friday , pag may holiday Hindi Rin Ako pumapasok) May 17 first period from miscarriage June 2 sumama Ako sa team building namin, pati sa mga activities.like tug of war and Volleyball (Nung time na to may Masakit na sa bandang puson ko) June 23 may Activity ulit sa office Volleyball nasali na Naman Ako. The whole month Ng June nag feeling normal Ako. I do the household chores. Nagbubuhat, naggagala.nagddrive,etc.... pati Ang foods.(I'm 29 yrs old) July 1 eto ung pinakaaraw na napagod Ako buong araw.tas nastress pa ako.kung ano ano Rin kinain at ininom ko July 2 nahirapan na Ako lumakad may Masakit na sa part Ng pelvic area ko esp sa left side.( eto ung feeling ko after Ng nakunan ung may Masakit kapag naglalakad)nilgnat na Rin Ako Nung time na to July 3 naghanap ako Ng pinakamalapit na OB dahil Hindi ko na kaya magbyahe papunta sa Ob ko talaga. So ayon Nakita na mataas Yung uti ko. After 2 weeks naging normal na, nawala na Rin uti ko August 8 bumalik Ako sa una Kong OB pinacheck ko kung Wala na talagang naiwan sa loob, bakit may sumasakit pa din kapag napapagod,nagbubuhat,at naglalakad Ng malayo. Ang Sabi nga,muscle pain lang. Niresetahan Ako Ng pain reliever kung sobrang sakit at biogesic kung mild lang plus pain killer Na mga pamahid lang daw So ayon nawala Naman sya.normal pa din ung menstruation ko that time. September 3rd week nagdrive Ako at may nilakad na sobrang layo dahil malayo Ang parking after ilang days bumabalik na Naman ung sakit pasumpong sumpong,sabi Ng mga oldies try ko daw magpahilot. Sabi Ng hilot mababa daw Ang matres ko pero Sabi Ng Dr. Normal Naman lahat. 2x Ako nahilot Kaso parang mabigat Ang feeling at masakit after ng 2nd hilot nagbedrest na Ako from last week Ng September up to NOW. (Almost 3 weeks) nakabedrest Ako. Oct. 3 and Oct 4 uminom Ako Ng pain reliver na nireseta dati dahil ayaw mawala Ang sakit next day nawala na ung sakit. Oct. 7,8 and 9 nagtry na Ako umakyat panaog Ng hagdan. Kaso sumakit ulit Ng Oct 9 Ng Gabi kaya bedrest ulit. Ngayon May mga masakit pa din konti bumabalik pero mas ginhawa na Ako unlike Nung last week Ng September and early Oct. September din pala 1st time ko nadelay Ng 4 days. Ganto ba talaga After nakukunan. Gaano katagal Ang healing. 🥺 Hindi ko na din alam gagawin. pabalik balik ang pain.para Rin akong nagbuntis Hanggang Ngayon nahihirapan pa din Ako. Nov 2 Sana estimated date of delivery Ng baby kung nagtuloy. #pleasehelp #advicepls #miscarriage
Đọc thêmFeb 25, nagPT ako, sobrang linaw Ng lines. March 7 first check up(5 weeks and 5 days old) March 21, 2nd check up(6 weeks and 0 day old with 40 bpm with subchorionic hemorrhage) within 1 week pinapabalik kami dahil Malaki Ang chance na makunan daw Ako dahil sobrang bagal daw Ng heartbeat ni baby at Ng development. March 23, nagpa-2nd Opinion kami (Wala Ng heartbeat) March 26 - 3 days na akong umiinom Ng evening primrose wala pa din spotting / bleeding. #miscarriage #firsttimemom Sana #advicepls
Đọc thêm