Paano ba mapaalis si MIL?
Hi. Dont get me wrong. I am trying my best to appreciate and understand her and give her the benefit of the doubt at all times. Pero puno na ako.
Ang biyenan ko ay nakikitira sa amin. Ok sana kasi may tumitingin sa 2 bata though meron naman akong katulong. Masipag naman si MIL magluto kaya ok sana.
Kaya lang, sobra siyang tsismosa, dugyot sa CR, laging nakasigaw, at pakialamera.
Toxic.
Sa pagigiging tsismosa. Just few months after kami lumipat sa subdivision ay may nakaaway siyang kapitbahay. Ang sabi ng kapitbahay sakin, nagagalit siya sa MIL ko dahil tsismosa. And yes, pati ako ay itsinitsismis niya sa mga kapitbahay. Pati mga anak ko. Pati asawa ko at iba pa niyang anak.
Sa pagiging dugyot. Makalat siya. Pag nagluto siya, lahat ng ginamit, nakakalat sa kusina at lababo. Sa CR, kung saan saan nilalagay mga damit niya. And just now, nabara ang bowl sa CR dahil nahulog ang panty niya sa bowl. Ito ang ikinakainis ko. Dalawa lang sila ng katulong na nagsishare ng CR sa first floor dahil kami ng asawa at mga anak ko ay sa CR sa 2nd floor gumagamit. Lagi ko nireremind sila na wag maglalagay sa ibabaw ng bowl ng kahit ano. May towel rod akong pinainstall at mga lalagyan kaya hindi ko maintindihan kung bakit paborito pa din ang bowl gawing tambakan ng mga anik anik. So ang nangyari, binaklas ang bowl at mga tubo. So much work at so much hassle at kadiri.
Hindi ako usually nagsasalita ng masama at pinipili ko lumalabas sa bibig ko. Dahil as much as possible ay ayaw kong makasakit ng damdamin. Pero sa inis ko, nasabi ko na "ang dugyot niyo kasi sa CR. Bat ang CR namin, malinis at maayos kahit 4 kami gumagamit plus may 2 bata pa." Pinagtatapon ko din yong bato na panghilod niya at mga posibleng makabara pa sa CR. Inis talaga ako and I don't care. This is my house.
Lagi siyang nakasigaw. Naiinis ako pag binubulyawan niya ang mga anak ko. At kahit sino sa bahay. Ayaw ko na lumaki ang mga anak ko, thinking na okay lang magsigawan o bulyawan.
Pakialamera din siya lalo kapag may sakit ang mga anak ko. I get it that she is concerned. Pero ako ang nanay at alam ko ang ginagawa ko. Mapaniwala kasi siya sa albularyo at mga kasabihan ng mga matatanda. Pag may sipon, wag ko daw paliguan. Pag gabi, wag ko daw paliguan. E mas kailangan nga maligo para matanggal ang mga germs and viruses. Especially now na may COVID. Of course, hindi ko sya sinusunod. My children and their health are more important to me than what she believes in.
So now you know how toxic my MIL is. Gusto ko sanang malaman kung may ideya kayo kung paano ko siya mapapaalis na hindi kami nagkakasamaan ng loob. At na hindi din sasama ang loob ng asawa ko.
I tried talking to my husband about these issues pero ayaw niya na umalis ang nanay niya. Nag-aaway na kami dahil dito. My husband also tried talking to his mom pero wala din namang nangyayari. Si MIL pa ang nagtatampo.
I hope you could give me advice.
Đọc thêm