Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mommy of 1 active son
Sleeping Time
Mga mommies, normal lang po ba itong sleeping routine ng baby ko lately: mag 3 mos po siya sa April 29 4am to 8am - awake 8am to 6pm - sleep (ginigising lang pag magdedede tapos tulog ulit after magdede) 6pm to 8pm - awake 8pm to 4pm - sleep (gigisingin pra magdede) Umiiyak siya pag ginigising namin para padedehin during daytime, pero night time hindi naman. Pero pag gising siya, super active naman po
Vitamins
Ano po vitamins ng baby nyo 0-6mos?
Formula Milk
Hello mga mommies! Ano po magandang formula milk para kay baby 0-6 mos po? Thanks po sa sasagot
Breast Milk
Ask ko lang po, may pag asa pa po kayang magkaroon ulit ako ng milk? 6 weeks ago po kc na stop po akong nagpump mula nung nahospitalized baby ko. 8 days po kmi sa hospital at d ko po naharap magpump. After po ng 8 days wala na po lumLabaz sa breast ko. Gustong gusto ko po I breast feed si baby ko.. ?
Bottle Feeding Almos 3mos Baby Girl
Mga momshie, baby ko po is mag 3mos sa April 29. Bottle feed po siya mula nung bumalik ako sa work. Normal lang po ba na 2 to 3 oz po every 2 to 3 hours ang dinidede niya? Minsan 4 hours pa po bago magdede.. Sa pagtulog, good sleeper po siya. Minsan 12 hours straight po tulog niya sa gabi. Minsan pag 4 hours na at d pa gumigising para magmilk ay ginigising ko. OK lang po kaya un or hinatayin ko po na manghngi siya ng milk bago padedehin? Or kahit d siya tulog basta may 4 hours na na Hindi nagmimilk, kahitdi humihingi ng milk pinapadede ko. OK lang po kaya ito o baka po worsen ko lang situation? Salamat po sa makakapansin. Napansin ko po kasi mula nung nahoapitalized siya due to sepsis nung 6 weeks siya dun na nag start na Hindi siya ang kusang nanghihingi ng milk..