Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mommy of 1 superhero magician
DMPA
Oky lang ba ma-advance sa dmpa? Kasi tinurukan ako today (monday) kahit sa thursday pa sched ko. Paulit-ulit kong tinanong sa mag iinject sakin kung okay lang yun, okay lang naman daw, hwag lang daw mali-late. Worried kasi ako, nabasa ko kasi before na hnd dapat ma-advance or ma-late inject or else mabubuntis ka.
Cake
Hi. Pwede na po ba ang chocolate cake kay baby 1 yr old? For smash cake sana.
Formula milk
Ano pong magandang milk ang sunod? Wala na po kasi atang s26 gold 1yr old pataas. Malapit na kasi mag 1 yr old si baby. S26 gold siya since birth. S26 promil gold three na po ba?? Pareho lang po ba yun and best po ba siya for baby? Plan ko rin sana yung hipp organic. Maganda kasi feedback ng hipp. Kaso I’m confused.
ORAL REHYDRATION SALTS
3 TIMES A DAY KASI ANG NIRESETA NI DOC. KAY BABY (10MONTHS OLD) SA ISANG SACHET KASI 200ml NA WATER ANG IHAHALO. TANONG KO LANG PO KUNG YUNG ISANG SACHET(200ml) PO BA UUBUSIN NIYA NG ISAHANG INUMAN LANG SA UMAGA? TAPOS ANOTHER SACHET(200ml) ULIT SA TANGHALI AT GABI? OR ISANG SACHET(200ml) LANG SA BUONG ISANG ARAW? ITO NA RIN PO BA ANG MGGING TUBIG NIYA?
Amoxicillin
Paano po ito timplahin? Hnd ko kasi alam na titimplahin pla yung nireseta ni doc.
Paano ba ang paggamit ng ERCEFLORA for 1 year old sa pagtatae?
Hi. Sa pagtatae, paggamit ERCEFLORA for 1 year old? Paano gamitin o paano nga ba ang pag-take nito? Ihahalo po ba sa milk ni baby or direct po? And ibubuhos po ba ang lahat? O kalahati lang po ba? She is almost 1 year old. She is 9 months old, going 10 months. In a week.
Tempra
Papainumin na po ba ng tempra pag ang temp is 37.8? Sinat p lang. 8mos. Po
POOP
Pasintabi. Pls. Enlighten me. Is this normal?? Pang 4x times ng nakaka-poop si lo. As of 6:30pm. 8 mos. nag ngingipin. Walang lagnat, walang sinat. Masigla. Saging kinain niya kninang umaga. Parang nagtatae siya 2 days na. Kahapon matubig naman. Ngayon ganyan. Pls. Help me. I’m worried. Thank you.
Feeding
Ilang beses n’yo po pinapakain si lo sa isang araw?? And ilang beses na lang po siya nakakadede ng milk sa isang araw? My baby is 8 months today. Once a day ko lang kasi napapakain, nakita ko kasi sa group sa fb ng ‘Baby Led Weaning’ pwede pala sila kumain ng 2-3x a day. Gsto ko kasi sana ma-lessen yung pag mmilk niya. Next month, I’m planning to BLW na si baby.
Vitamins
Pwede po bang pagsabayin ang vitamins? Growee and ceelin na orange? 8months old po si baby. Saka ano po ba pinagkaiba ng ceelin na orange sa ceelin plus na red??