Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Proud Momma Of Lucas Rafael ❤
Pantal pantal
Mga mommies hello po! Baka po may naka experience sa inyo na nagkaganito si baby. Natulog lang po kami ng afternoon tas pag gising may ganito na si baby. Nilalagnat din po sya kaya nag rush na kami sa pedia kahapon kaso wala naman makita problema sa cbc nya. Bnigyan lang sya cetirizine at hydrocortisone. Naaawa po kasi ako nangangati sya eh.
Mahina umihi
Hi mga mommies! Naexperience niyo naba kay baby ba magdamag walang wiwi? Tapos sa maghapon ang hina nya mag ihi? Pero masigla at magana naman sya mag dede at malakas din mag water. Medyo worried po kasi ako.
Fetal 2d Echo
Hi mga mommies! Nirequestan po ako ng fetal 2d echo kasi yung CAS ko napansin na may time na nag skip ng beat yung heart ni baby. Titibok sya tas mag stop saglit tas mag beat uli. May alam po ba kayo na murang fetal 2d echo around San Jose Del Monte Bulacan?
6 weeks ultrasound
Hi mommies. Nagpa-ultrasound po ako today. Last mens ko is July 21. 6 weeks and 3 days na daw yung sac pero wala pang baby. Normal po ba yun? Possible po ba na magkalaman in a month? Kasi pnapabalik ako 2-4 weeks.
Mga mommies, napansin ko kasi nung uminit humina umihi si baby ko. Normal po kaya yun? Mag 2 years old na sya. Malakas naman sya sa water pero nito lang bigla sya humina umihi. Minsan 3 hrs na wala pa laman ang diaper nya. Tapos sa magdamag di sya nkakapuno ng diaper. Masigla ay very playful naman sya. No
Mahina magwiwi
Hi mga mommies. Advice naman po. Worried po kasi ako. Si baby po kasi konti ang wiwi nya ngayon kesa dati. Hindi sya nakakapuno diaper. Dati po yung diaper nya sa magdamag punong puno pero napansin ko ngayon di sya gaano nappuno pati sa umaga at hapon. May nakaexperience po ba sa inyo ng ganon? Normal lang po ba?
Teething
Mga mommies normal po ba na mag lagnat si baby ng 38.6? Nag iipin din po sya.
Pagkain
Mga mommies, pa help and advice naman po. Si LO ko kasi mag 9 months na hindi pa sya ganon kagana sa pagkain. Pag sinusubuan ko sya lagi syang naduduwal. May time pa na nangitim sya. Nagtry din kami mag BLW kaso ganon din nangyayare. Natatakot ako bka ma choke sya e. Ano po ba pwede ko gawin? Kasi twing papakainin ko sya ayaw nya ibuka bibig nya. Tas nag iinarte na. :(
Rash
Mga mommies baka po may naka experience sa inyo na nagkaganito ang baby. Ano po kaya ito? Dumadami po kasi.
Rashes?
Mga sis baka po may naka encounter sa inyo nagkaganito LO nyo. Napansin ko yan nung nilinis ko leeg nya. Dati naman po wala yan. Ano po kaya pwede igamot dyan or ipahid? Wala din kasi sya leeg nattakpan ng taba nya hehe. Madalas po kasi sya maglungad kaya siguro nagkaganyan. Medyo dumadami na kasi. Thankyou po.