Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
mom of Mary Laurice
formula for 7mos old from exclusive bf
Hello po. Ask lang po sana ako ng recommendations sa inyo. Hindi po kasi nagdedede si baby sa bottle kahit frozen pumped milk ko po ang ipa feed sa kanya. Balak ko na po sya ilipat sa formula kasi malapit na ako mag daily report sa office. Nakaka awa sya eh baka magkasakit kapag lagi di sya magdede pag wala ako. Natry ko na po bonna and lactum pero ayaw nya. Any suggestions po? Will appreciate your recommendations po. ❤
Best formula milk
Hi good evening po. Working mom po kasi ako. And for 6months exclusive breastfeeding ako kasi until feb naman naging leave ko, then sadly nagka pandemic so ilang weeks lang ako ulit nakapasok sa work naging work from home din eventually. So si LO ayaw dumede sa bote, bumili na po ako ng pegion brand kasi sabi parang skin din natin yung nipple. Nagpalit nadin po ako from bonna to lactum pero ayaw pa din. Help me mga momsh. Nakakaawa si baby pag wala ako. 😞 di ko na kasi kaya mag pump while nagdedede sya. Kulang supply ko. 😭
first food idea
Hello mga momsh. Hingi lang sana ko ideas if ano maganda food na ipakain kay baby. 6months na kasi sya. Tia!
breastfeeding concern
Hi mga momshie. Ask ko lang sana if ano maganda gawin kasi parang humihina yung milk supply ko. Napansin ko to kahapon nagkaroon kasi ako ng period. As in super lakas nya, tapos ayun parang di ko na maramdaman yung milk ko. Nahirapan ako mag ipon kasi working mom ako. Di ako maka pump ng maayos. Dati rati naman saglit ko lang punuin yung 6oz. Sobra pa nga. Help me please. ?
FTM 1month 6days Halak
Hello po. Ask ko lang ano po ba dapat ko gawin or may pwede po ba ako ipainom na meds kay baby. Nahihirapan na po kasi sya. Feeling ko po ang dami nya plema na di mailabas. ?