Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Magandang paraan ng Pagpapatulog kay baby
Ask ko lang po mga mommies, ano po ang magandang paraan ng pagpapatulog kay baby na papuntang independent sleep po? Ever since na nanganak ako, yung style po ng biyenan ko ang kinalakihan ng baby ko sa pagpapatulog, hele to the max po. 9 months na po ang baby ko, at gabi gabi pati madaling araw, iiyak aside sa milk niya, iiyak din para lang ihele, pag hindi po hinele, talagang iiyak po. Sobrang nakakapagod po until now wala pa rin akong matinong tulog, laging masakit ulo at buong likod ko. Problem ko pa rin po yung paputol putol na inom niya sa gabi.
Am Sa Gatas
Good day po. Ask ko lang po, need pa po bang maghalo ng am sa gatas kung may breastmilk naman po? Nag mmixed feed po kami. Suggestion lang po ng MIL ko kasi nabawasan po ang timbang ng 6months old baby ko
Breastfeeding Worry
Mommies ask ko lang po, regarding sa breast natin. Bigla po kasing di na po humina at lumambot yung breasts ko, unlike dati parang tumitigas pa from time to time at dumadami yung milk pag pump. Mommies issue ko po talaga ever since na di na po naglalatch si baby sa akin ng 1st month and so on, pump na lang po ang gawa ko para makapagbigay pa din ng breast milk Ngayon po sobrang worry ko po... Papaano po bang makakapag produce pa ng bm? Drinking lots of M2 and Malunggay capsules most of the time, malambot pa din. Last 2 days ago lang ito nangyari. My baby is 5 months old, going 6 months na. And this last 2 days sobrang tinamaan ako ng stressed at lungkot...
Siksik Ang Katawan Ni Baby
Mommies ask ko lang po, past few months mga 3 to 4 months yata, parang di na po siksik yung laman / kataean ni baby ko. Ok lang po ba un? Ngayon 5 months na po siya. Nilalaro niya po yung bottle niya kapag gising, o kaya, umiinom pero super bagal. Kapag tulog tska siya dede sa bote nang malakas. Pero putol putol po ang inom niya Papaano po ba magiging siksik siya ulit?
Home Service Vaccine
Good day po mga mommies. Ask ko lang po kung meron pong doctors na naghohome service to give vaccines lang po sa mga babies?
Breastmilk Production Vs Konti Lang Kain
Good day po mga mommies na nagpapabreastfeed. Naantala na po ang latching sa akin ng baby ko bago mag 1 month po so nagppump na lang po ako. Ask ko lang po, kapag konti lang po ba ang kain ko, konti lang po ba yung breastmilk na mapproduce ko? Tska konti lang po ba nutrients na meron doon? May nakikialam po kasi pati pagkain ko sinisita
Nababago Ba Ang Style Ng Pagpapainom?
Good day po mga mommies. Ask ko lang po ang expert insight niyo po. Kasi po 4 po ang nag hahandle kay baby.. Ako, husband, biyenan at yaya. Iba iba po yung style ng pagpapainom kay baby. Recent weeks po lagi pong galit si baby, Aburido kahit nakapasak na yung bote sa kanyang bibig. Liko ng liko yung ulo, tapos iiyak bigla. Pero parang kapag style ni biyenan hindi siya magulo at yaya. Gusto na yata nakatayo, hinele, habang umiinom si baby. ? Naiinis ako kasi bat ganun? Sumasakit na lagi ang katawan ko kasi halos buong araw din ako nag aalaga sa kanya... Puyat puyat tapos pagpapainom ang hirap...
Opinion And Advise
Good day mommies. I would like to know your opinion and advise about my current situation and also if what i think is ok or not. Nakikitira po kami sa family ng husband ko, magkakasama po kami lahat ultimo may pamilya na yung kapatid nandito rin. Chinese fam kasi siguro(?) not sure po ako kung lahat po ay ganito pero parang karamihan po yata. Noong mag bf-gf palang po kami, nasabi ko na nga po na bumukod po kami kasi sobrang dami na po nila sa bahay. Sabi po niya, sa kanya daw po yung bahay, tska aalis din naman po yung sister niya na may pamilya doon, eventually kokonti daw. Pero of course nandoon ang parents dahil daw lalaki daw ang mag aalaga sa magulang... Meron din siyang nabanggit na magbubukod din kami kasi naiinis daw siya sa kanila... Noong kinasal kami, dito na kami nakatira na... Sabi daw mag iipon daw kami para makabukod. Mag 1 year pa lang po kami. Nabuntis po ako, at nanganak nito lang po. Alaga naman po ako sa pagkain at di po ako nakakagawa ng gawing bahay dito po sa kanila pero... Nahihirapan po talaga ako kasi parang nararamdaman ko na sinosolo ng biyenan ko yung anak ko. Noong pinanganak ko siya, almost 3 weeks siya ang humahawak sa baby, hindi na rin po nakapaglatch si baby dahil nagkaroon na po ng nipple confusion. Paligo po ni baby ayaw niya pong ibigay sa akin.. Marami pa pong pangyayari.. Gusto ko pong ikwento po lahat talaga... Gusto ko pong umuwi at dalhin po si baby sa amin kasi nag iisa lang po ang nanay ko sa amin. Ayaw po nilang ilabas ang baby ko kasi di pa fully vaccinated tska may ncov daw po... Kinocompare pa po yung mga ibang pinsan po na nanganak, 1 year daw po bago inilabas... Sabi ng mga kaibigan ko possible na may postpartum depression na po ako.. Feeling ko po nakakulong kami dito..para po akong nagtatampo kapag iprofile pic ni biyenan po ang pic ni baby... Ang laki ng disappointment ko sa asawa ko
Need Help And Advise For My 2 Mo Old
Good day po mommies. 2 months old na po ang baby namin. Ang dami po kasing nag aalaga, biyenan, yaya, ako(nakamaternity leave), asawa ko (sa gabi assist) Yung pagpapainom po ng gatas, dati kaya pang nakaupo lang kami. Pero ngayon, kailangan nakatayo habang pinapainom. (yung biyenan ko ganun kasi ginagawa, may hele pa) Aside po dyan, kapag umiyak na po siya, diretsong iyak na, ayaw nang uminom nang gatas Yung pag papatulog naman, naku, hindi mailapag o maihiga, gusto laging buhat o kaya dapa... Sabi ng nanay ko, wag daw munang pa dapa kasi yung leeg, di pa malakas... Tapos parang tulog manok po siya... Pakonti konti ang tulog Lagi pong iyak nang iyak, tska palakas nang palakas pag di na kuha yung ganung set up Need help and advise po. Growth spurt po ba ito?
Kelan Pwedeng Ilabas Si Baby?
Hi mommies. I wanted to ask your advice po. Kelan po ba pwedeng ilabas si baby? Anong buwan po pwede?anong part ng vaccines ang ok na para mailabas ko siya? Nakikipisan lang po kasi kami sa side ng asawa ko, gustong gusto ko nang dalhin sa mother ko si baby para magkaroon po ng time to bond, bago po ako matapos ng maternity leave? Yung mga tao dito, praning pa sa ncov... Ang sentiments ko lang, di naman siya mamamasyal sa public area. ?