Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Household goddess of 1 curious junior
Nakakatampo ba?
Just want to vent. Hindi ko sure if valid ba mainis ako sa mother-in-law ko na super walang pake sa baby ko. Yung iba kasi problem pakialamera MIL nila. Yung sakin naman walang ka care-care sa apo niya. May 3 apos sya from siblings ni husband, yun din mga kasama nya sa bahay kaya understandable na mas close sya dun. Pero i was expecting na ma eexcite din sya makita si baby ko, malaro, maalagaan since bihira kami magkasama. Pero waley. Pagka video call ang pinapansin nya pa yung 3 apo nya na kasama naman nya everyday! Dedma sa baby ko. Even sa mga posts ko, di man lang mag like, pero pag yung post ng sis-in-law ko, hanep panay comments pa. Pag magkakasama naman kami, lalaruin nya saglit then focus na ulit sa other 3 apos niya. Well, kami naman ni husband eh super mag shower mag love kay baby. Yung side ko din. Nag expect lang talaga ako kay MIL. Kasi nung wala pa kami baby ni husband nakikita ko how caring as a Lola she is, akala ko magiging ganun din sya sa baby namin. Hindi pala.
Tips sa pag aalaga ng newborn with NO HELP (mommy only)
Any advice po paano ma balance ang pag aalaga ng newborn and kahit paano pag gawa ng household chores. Ang husband ko ay nurse and pagod din talaga pag uuwi ng bahay so as much as he wants to help sa household chorse, di niya gaano magawa. Pag off niya dun siya nag grocery, bonding kay baby. So most of the time kami lang talaga ni baby sa bahay and sobrang clingy pa ni baby, breastfeed baby din kasi siya kaya gusto lagi naka dikit sakin. Pag nakaka sleep sya dun lang ako may time kumain, mag nap saglit, and maligo. So talagang hirap ako magka time mag linis ng bahay, hugas plates, mag luto etc.
sleeping position - 2 weeks old
Mga momsh, si LO kasi ayaw nagpapa baba sa crib or kama pagka gabi and magdamag, gusto nya lagi naka dede and pag naka sleep siya gusto nya sa dibdib ko lang, mas mahimbing tulog nya pag naka dapa sa chest ko, kaya lang nabasa ko na prone sa SIDS ang ganung position. Paano kaya yun, gumigising at iyak siya talaga pag hiniga ko. Ayaw din niya ng swaddle.
Growth Spurt @ 8 days old?
Possible po ba na growth spurt yung pag dede (breastfeed) ni baby ng nonstop and ayaw magpababa, gusto lagi karga ko. If yes, gaano po kaya yun katagal. As in every 10 mins gusto niya dede tapos pag nakaka tulog ayaw naman ng ihihiga ko sa crib or kama, gusto nya sa dibdib ko pa din.
Difficult latching- 1 week old
Hi! Any tips po paano ipa latch si baby ng matagal. I have good flow and supply naman ng breastmilk. Kaya lang si baby ayaw mag latch even may signs naman na hungry na siya. Iyak lang siya ng iyak. Minsan mag latch siya saglit or lick ang nipple ko tapos iiyak na lang, hindi naman niya i-suck or latch.