Cezz Fernando profile icon
Kim cươngKim cương

Cezz Fernando, Philippines

VIP Member

Giới thiệu Cezz Fernando

Padede Ma'am PH

Bài đăng(4)
Trả lời(0)
Bài viết(0)

PAANO MAGPALAKAS NG MILK SUPPLY?

#LectureNiMaam Topic: PAANO MAGPALAKAS NG MILK SUPPLY? Oh eto, ayaw ko na ng formal na post about dito para mas maintindihan ng mga maamshies natin. ? ? Pagkapanganak mo, MAGPADEDE KA LANG NG MAGPADEDE. Ayun yung tinatawag natin ngayon na UNLILATCH. From the word, UNLI, alam mo na siguro yun. Applicable din yun sa breastfeeding, hindi lang sa kanin sa Mang Inasal. ? Yung ibang OB-Gyne, nagrereseta na ng mga lactation supplements kahit hindi pa nanganganak ang nanay. Just to make sure daw na may lalabas na milk after maipanganak si baby. PERO, ang talagang magpapalabas at magpaparami ng gatas mo ay ang SKIN-TO-SKIN at UNLILATCH. Kaya uulitin ko, magpadede ka lang ng magpadede. ? HINDI TOTOO na wala kang gatas pagkapanganak mo dahil lang sa wala kang nakikitang tumutulong gatas. Colostrum is superlagkit at hindi mo siya makikitang tutulo. Mga 2-3 days pa bago lumabas ang matured milk. OK? Karamihan kasi sa mga nakakausap ko, ang sinabi nila is 'wala silang gatas' kaya nabigyan nila ng formula si baby. Pero meron ka talagang gatas. Kahit isang patak lang ang lumabas sa boobs mo, that means MERON pa rin. Magkaiba ang kahulugan ng KAUNTI sa WALA. ? Uminom ka ng maraming tubig. Kumain ng masusustansiyang pagkain at maraming kanin ? Kumain ka ng papaya, malunggay, masasabaw na pagkain. Huwag ka munang magdiet at maconscious sa figure mo. Unahin muna ang anak. Ok? ? After 6 weeks, you can start pumping. Pero kung working mom ka and needs to build a milk stash, you can start pumping earlier. Pump every 4 hours, round the clock. Saan ka man mapunta, pump pa rin. NO EXCUSES. Gusto mo ng maraming gatas, aba e, tiyagain mo. Maraming nanay ang todo effort sa pagpapump at naging successful naman. Kaya ikaw, go na! Kaya mo rin yun! ??? ? Pwede kang magtake ng mga lactation aids and supplements. Hanapin mo yung mahihiyang ka at makikita mong effective sa iyo. Magastos, oo. Pero para sa anak mo naman iyon diba? Kaya mo ngang magparebond at magpakulay ng buhok e. ? MANAGE STRESS. Yes, I used the term manage because we CANNOT AVOID STRESS. Nandyan na yan e. It's up to you kung paano mo gagawan ng paraan. Too much stress, tiredness, and not enough sleep may affect your supply. Kaya girl, hinay-hinay lang tayo. Kapag pagod, MAGPAHINGA. Promise, malaki ang tulong ng malusog na isip at pangangatawan sa supply natin. Follow me on Facebook: Padede Ma'am PH #Breastfeeding #BreastfeedingJourney #PadedeMaamPH

Đọc thêm
PAANO MAGPALAKAS NG MILK SUPPLY?
Thành viên VIP
 profile icon
Viết phản hồi