Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Hoping for a child
NAGTATAE OR NORMAL
ask ko lang po kung normal lang yung tumatae si baby every after feed? mix feed po si baby pero mga once or twice a day lang siya painumin ng formula milk the rest of the day breast milk na. hindi naman po basa ang tae nya. turning 2months po si baby sa saturday. thank you po sa sasagot.
Diaper Rashes
Ano pong natural remedy ang ginagawa niyo kapag may diaper rashes si LO nyo mga mamsh? Bale di ko sinusuotan ng diaper si LO tuwing umaga, sa gabi lang kapag matutulog na. Takot rin kasi ako magtry ng mga cream na pinapahid para sa rashes baka lalong lumala. 3weeks old palang po si LO. FTM po, thank you in advance sa mga suggestion mga mamsh.
New Born Screening
Nakakastress mga mamsh, sino po dito may same experience na tatlong beses na kinuhaan ng blood sample si baby for NBS? dalawang beses siya kinuhaan sa lying in kung saan ako nanganak at ang sabi contaminated daw ung sample kaya direkta na kaming pinapunta sa NIH sa pedro gil at ngayon pinapabalik na naman kami for another sample na naman daw at walang sinabing dahilan bakit uulitin ulit. Nasa manila po ang NIH at sa rizal pa kami manggagaling, ang layo ng biyahe at ang mahal ng pamasahe. 12days palang since nanganak ako at ramdam ko parin ung sakit ng tahi ko, naawa rin ako kay baby dahil naeexpose siya everytime na magbabyahe kami. Ano po kaya ang dapat gawin?😰
Lullaby music
Okay lang po ba na magpatugtog ng mga lullaby music kay baby? 1week old palang siya, pansin ko po kasi na mas mahimbing yung tulog nya at di gaanong magugulatin kapag may nakaplay na lullaby music habang tulog siya.
DUE DATE😮💨😮💨
EDD today pero tamang swimming parin si baby sa loob😅 Ano bang dapat gawin para makaraos na?
Lying In or Public Hospital?
Advise naman po mga mommy kung saan mas better manganak for first baby. Thank you❤️