Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Excited to become a mum
breast milk during pregnancy
Hello mga momsh. 33 weeks preggy po ako. Sino po rito ang natry na magtake ng pamparami ng gatas ng breast kahit buntis pa lang? Gusto ko sana ma secure yung breastmilk ko para paglabas ni baby may madedede na siya, although may katas na breast ko pag tinatry ko pisilin.
bleeding
Hello po mga momshies, sino po rito na experience mag bleeding? Noong 5 months yung tiyan ko na try ko na magbleeding noong bumyahe kami ng nakamotor tapos naka bukaka ang pag sakay ko. Kaya na alog daw po. Tapos kanina pag ihi ko nag bleeding nanaman ako, may nakita ang light red na dugo sa panty liner ko. Wala naman oo akong ginawang heavy activities maliban nalang sa pag iyak ko kagabi at kanina dala ng sama ng loob ko sa asawa ko. Pwede po bang maging cause yon ng bleeding? Tinext ko na po ob ko, kaso wala pa po siyanh reply.
31 weeks nanganak
Hello mga momshies. May nanganak na po ba rito ng 31 weeks? Nag woworry po kasi ako madalas na sumasakit ang balakang ko, ano po mga naging experiences niyo?
alternative for obimin and calciumade
Hello mommies. Ano po kayang alternative sa obimin at calciumade? Di po kasi ako makabalik sa OB ko kaya wala na rin po akong stock ng vitamins, although tinanong ko si doc kung ano dapat mga vitamins ko ngayong 29 weeks preggy ako. Sabi niya ituloy tuloy ko lang kaso wala sa mga pharmacy dito samin. Sana may maka sagot po. Salamat?
Hello mga momshies, sino po rito ang naka experience ng bleeding? Bumyahe po kasi kami kahapon tapos naka motor po kami then ang pagsakay ko po e parang sa driver. 5 months preggy po ako, mag si 6 sa friday.
diarrhea?
Hello mga momshie. Sino po rito ang nakaranas magtae at magsuka noong buntis? Ano po ang home remedies na ginawa niyo? I'm 4 months preggy po.