Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Mom of Two cute little babies
Successful Delivery ?
Dahil panganay ko ay babae, I can tell na napakasakit ianak or i labor ng lalaki ?. EDD: JAN. 20, 2020 DOB: JAN. 14, 2020 Via NSD All the Glory belongs to God. 7am pa lang ng Jan. 13 nananakit na ang puson at balakang ko. 4:30 nagpunta ako dito sa Hospital namin nai IE ako at Admit Stip ang tawag meaning close cervix pa dw. Umuwe ulit kami ng bahay (5 mins lang ang layo samin ng hospital) bumalik kami ng 8pm and nung Pag IE sakin 1 cm pa lang, edi uwe ulit kami kasi baka dw abutin pa ako ng kinabukasan. Nagpahinga ako at pinilit kong matulog pero grabe at sobra na talaga ang pananakit niya. Nasusuntok mo na ang pader at napapahawak ka na sa bakal ng higaan with matching "bwiset" (sorry for the words that's what I feel) Hanggang sa sobrang awang awa na sakin si hubby at dinala niya ko sa private hospital which is one hr and a half ang layo gamit ang tricycle ng kapatid ko. On the way pa lang sobra sobra na ang sakit, naramdaman ko pang pumutok panubigan ko at worried n mga ksama ko. Hinga lang ako ng hinga sa bibig kasi ayoko umire sa tricycle at baka kung mapaano si Baby. I'm just shouting "Lord Help Us Please" Naaawa na ako sa ate ko kasi nasasabunutan ko siya napipiga ko kamay niya dahil dko na alam ang gagawen ko. Sinalubong kami ng hipag ko dahil natatagtag talaga ako sa tricycle. And 20 mins after I arrived at the hospital and praise God with just 3 pushes nailabas ko si baby ng maayos. Maisusumpa mo talaga ang sakit at sasabing hindi ka na uulit, once nakita ko si Baby na kamukang kamuka ng Ate niya nung new born din, Nakakawala ng pagod at worth lahat ng pain. ?☝️ To God be the highest Glory.