Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
35258 Người theo dõi
Rightside always
38weeks and 4days.no sign of any pain..pero bat sakin nagigising ako lagi nakabukol sa right side ko..kayo rin po ba? Tipong hahawakan ko sa may puson ko banda, parang flat .. Edd:dec.14.
38 weeks and 5 days
1cm palang nung na i.e ako. Simula nung na i.e ako may spotting na ng blood sa panty liner ko and masakit na din ibaba ng puson at singit ko. Sign na po ba ito na nagle-labor na po ako?
39 weeks and 3 days
Normal lang po ba to? Kanina po kasi madaling araw may lumabas sakin clear discharge with dark brown blood, ngayon po ayan naman narramdaman ko tumutulo. No sign of labor parin po, puro ngalay sa balakang at parang may tumutusok sa pempem ko habang naglalakad. Nagsabi na ko sa OB ko kaso wala parin reply, pinag take niya ko primrose kagabi kasi stuck parin ako sa 3cm
38weeks and 5days, Bleeding na may kasamang tubig
Hello me mga 1am nagising ako at may lumabas sa akin na tubig na may kasamang dugo, tapus mga 2am may dugo parin lumalabas sa akin, pero wala pa akong pain na ramdaman. At panay likot din ni baby sa chan ko. Mga ilang araw pa kaya bago ako manganak.?, Normal lang din ba ito?
Mucus Plug
Hi, eto na po ba yun? 38w3d no sign of labor or pain, pero tumitigas na tyan ko, tas kanina umihi ako gulat ako may ganyan, onti nung una. Sumunod ganyan na medyo mas madami sa una. Di ko naramdaman na may lumabas sakin ganyan, kita ko lang pag ihi ko. Sa wed pa kasi next check up ko.
Spotting @38weeks and 1 day
Ask ko lang mga mommy sign napo ba to na malapit nko mangnak normal lng po ba to na may lumabas na dugo? nag nipple stimulate kasi ako tapos naninigas yung tiyan ko at puson kasama balakang, pag ihi ko may dugo na kong nakita, 36weeks and 6 days 1cm nako pero stock ako sa 1cm 37 weeks and 6 days still 1cm ako, puro paninigas lng ng tiyan at puson ang nararamdam ko noon, now 38weeks amd 1 day nko may nakita akong dugo pag ihi ko, sign na ba to normal lng ba to, sabi kasi skin kpag yung hilab ay tuloy tuloy chka daw ako pupunta,
Edd : Dec 16
38 weeks and 5 days , open cervix na at 3cm. Still wala pang sign ng labor. Bukas balik ko sa lying in.. sinung kasabayan ko dito? Ano na nararamdaman nyo?
First time mom..
39 weeks and 4 days nako mga sis Due date Dec 8.. No sign of labor, mataas pa ung tyan ko. Lagi naman ako nag walking every morning tapos akyat panaog din ako sa hagdan 10x para lang matagtag.. Nanunuod at gnagaya ko dn ang mga exercise pang på labor så youtube.. Uminom dn ako ng pine apple.. Pero ganun padin.. Hays gstong gsto ko na makaraos 😔😔 inggit na inggit nako sa mga nakaoanganak na.. gstong gsto na ksi nmin makita si baby..
Mga mommy ano pa ginawa nyo para matagtag 😅?
Excited na makita si baby 💗
To CS or not to CS - 38w2d
Hello mga mommies, I’m currently 38w2d, EDD ko is Dec 16 via lmp and 1st transv utz. As of now wala pang sign ng labor amd last check up ko was Nov 29, inIE ako that day, close pa cervix ko pero nakapwesto na daw yung ulo ni baby. Inultrasound din ako same day to check yung level ng amniotic ko, normal naman, no cord coil, 2.7kg EFW. Ang concern ko lang is, hindi daw nagpapaanak yung OB ko ng lampas 40 weeks dahil mas mataas daw ang chance na makapoop na si baby. Eh diba may allowance naman yon na up to 42 weeks? Pano kaya pag ayaw pa lumabas ni baby? Ayaw ko ma CS kasi normal naman ang result ng ultrasound ko and so far wala din ako complications based sa mga labtests ko. Ayaw ko maCS ng dahil lang don. Medyo hassle na din po sa part ko magpalit ng OB kasi yung OB ko, tita sya ng husband ko and sa lahat ng nabuntis sa family nila, sya ang naging OB at di sya naniningil ng PF. If ever man ma CS ako, mas makakamura naman kami although yun recovery kasi yung mahirap unlike pag normal delivery. Need your inputs mga mommies, malapit na din kasi ang due date ko and close pa din cervix ko. This Tuesday pa ang next check up ko and moment of truth na din to decide if magpapaCS ako or hindi pag talagang no labor sign pa before mag 40 weeks. Is it really risky pag lumagpas ng 40 weeks? Considering na normal naman ang latest utz and labtest ko (no complications sakin and kay baby)