Birthclub: Disyembre 2022 icon

Birthclub: Disyembre 2022

35256 Người theo dõi

Hỏi & Đáp

MY LABOR STORY

Dec 1 IE ako 1cm Dec 2 may lumabas na ma brown at madugong sipon Dec 3 bumalik ako sa OB ko, 1-2cm padin nagpa stress test nadin ako okay naman si baby. Nilagyan nya ko eveprimrose and nagtake ako ng isa pa sa gabi Dec 4 nagising ako madaling araw sobrang sakit ng puson ko, pumupu lang ako then may lumabas na dugo saken. Inantay antay ko lang pero super sakit ng puson hanggang likod ko. Naligo muna ko tas ganon padin nagpunta nako sa ospital. 1-2cm padin ako pero sobrang sakit na talaga ng puson at likod ko. Nag 100 na ung contractions ko sa toco. Hanggang gabi 2cm padin ako dumodoble na ung sakit hindi na ko nakakatulog. Dec 5 pinakain muna ko ng umaga then dinala nako sa labor room mga 10am, 3cm palang ako pero grabe na yung sakit, after hour 4cm nagpa epidural na ko grabe ung sakit e, hanggang nag 5cm nagpapasok na ng eveprimrose ulit mga tatlong capsule. 6-7cm induced labor na. Tinaasan na yung tinurok na gamot for induced pinutok nadin panubigan ko. Nag 8cm na then after an hour fully open na cervix ko around 4pm. Nasa delivery room na ko ng mga 4:10, nahirapan ako umire dahil sa epidural, mga 30mins nailabas ko na din si baby 🥹 thank you kay lord hindi kami pinabayaan. Sobrang hirap sobrang sakit pero worth it pag narinig mo na yung iyak nya. Goodluck sa mga mommies na manganganak jan! Kaya nyo yan! #FTM #First_Baby DEC 6 for discharge ako kaso nag seizure and chills and bumaba heart beat ko, nag violet nako sobrang hirap huminga takot na takot ako pero kailangan lakasan yung loob at magrelax lang. Mga 15minutes din yon tumagal after that nilagnat hindi nako nakalabas. Dec 9 ngayon sana makalabas na kmi parehas ng baby ko. FIGHTING. JUST WANT TO SHARE MY STORY!

Đọc thêm
MY LABOR STORYGIF
 profile icon
Viết phản hồi
Influencer của TAP
 profile icon
Viết phản hồi
Xem thêm bài viết