Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
29760 Người theo dõi
Tantrums sa gabi na tulog
Mga mommies, biglang nagtatantrums si LO 1yr old and 5mos... di ko alam bakit, parang na routine na niya. Bakit kaya ganun? Baka may ideya po kayo para mawala ito sa kanya. Pa share naman po. Ginigising nalang namin siya para huminto tantrums, grabe yung puyat samin both working parents. Haaays
Primary complex
Hello po Parents ask lang po nakakahawa po ba ang primary complex ni baby? Maari po ba sya makahawa sa iba pang bata? Salamat po sa sasagot #primarycomplex
Undecided (Stay at home or Work)
Hi mga mamsh! Hindi ko kasi alam gagawin ko... Kakastart ko lang magwork last March at ngayon gusto ko na magresign kasi wala mag aalaga ng anak ko(4 y/o at 2 y/o). At first, yung husband ko ang nag aalaga, after work nya(6am) sya na nagbabantay pero syempre need pa rin nya matulog naaawa din ako sa kanya. Nagwork ako kasi need ko tulungan husband ko financially, due to debts at gusto na din naming bumukod ng bahay(nakatira kasi kami sa Papa ko). Oo nasa BPO yung asawa ko pero not enough yung sahod kasi nga sa utang, e paano pa kaya yung bills at rent baka magnegative na kami lalo, kung noon breakeven lang. Ngayon, gusto ko na magresign kasi walang mag aalaga, kaso iniisip ko naman paano yung mga bayarin namin. Good provider husband ko, sadyang may utang lang kami. End of March wala na yung account sa company nila, so nakafloating lang sya at hindi bayad. Then etong darating na araw may new account pero problema naman namin mag aalaga, tho, 4 to 5hrs lang ang mag aalaga, at hapon pa. Kaya usually, walang ginagawa that time kase puro laro lang, meryenda ganun. Kaya ngayon, iniisip ko kung sasayangin ko yung work ko ngayon, o magstay at home na lang ako at mag over think kakaisip. Nagtry na ako magbusiness pero dahil food, nahihirapan ako kasi may bata, hindi rin ako crafty na tao tas walang pampuhunan. Ang hirap talaga ng sitwasyon ko
IMPLANT USER (Implanon)
may concern lang po ako. 9 weeks after pregnancy ko po nilagyan ako ng implant. ang question ko po, hindi pa kasi bumabalik menstruation ko that time after manganak then nilagyan na ko ng implant. okay lng po kaya yun? nabbother kasi ako after ko lagyan ng implant within a month bumalik na menstruation ko then the following months hindi na ko nagkaron ulit until now. iniisip ko kasi baka mabuntis ulit ako... or buntis ulit ako
Single mom
Hi guys need ko advice at baka dito ko sa app na to makakuha ng payo. I'm a single mother, breastfeed ang baby ko sakin and he's 1yr and 5mos already. May kasunduan kme sa dswd ng dad nya about sa bata na twing Monday hihiramin maghapon or minsan nag oovernight ang anak ko at twing Friday overnight tlaga. so Dalawang beses nya lng nahihiram anak ko. And Dahil mga breastfeed si baby I'm not still working. So everytime wala ang baby ko nagala ako, at sumasama sa tropa, masama ba yun guys? yung ginagawa kong pag alis alis pag wala ang anak ko. I'll be honest din. Example sa hapon naalis ako ng 6-7pm ng gabi at nauwi na ko ng 4am ng madaling araw. Guys masama na ba ko nun. Ano ba dapat ko gawin. Minsan naiisip ko gusto ko na din magwork kasi feeling ko kaya na ng baby ko. Sorry guys. Pls I need advice.
Normal poba Yung Isang taon na diparen nireregla naka implant Po Kasi ako one-year na Po sya
Tanong kolang po
Magkano sahod ng taga bantay
Hi mga mamsh! Ask ko lang po if magkano binabayad sa taga bantay, as in magbabantay lang from 2pm to 6/7pm. 4 y/o at 1 y/o aalagaan. Hindi naman alagain yung 4 y/o kasi puro laro, at phone. Yung 1 y/o naman ayun lang babantay tas puro laro lang sya, phone at kain. Wala namang ibang gagawin, bantay lang talaga.
tanong lang po
normal poba na dimasyado kumakain yung 1years old? 1 yr and 2 m napo so l. o
picky eater 😐
Hello mga mi penge naman ng TIP para gumana kumain si LO. halos lahat kasi ng I offer ko lalo na pag may rice ayaw nya 🥲 milk lang sya at biscuits 1 year old na sya. #adviceplease
Evening primrose
Mga mommy pwede ba ako bumili ng evening primrose kahit walang reseta? 38weeks na kasi ako at gustong gusto ko na umire. Salamat sa sagot!