

Hi mga momsh. May mga worries po ako as ftm. Si lo kasi namin, hindi namin mapakain ng maayos ng pagkain, like lulutuan ng gulay, mapakain ng prutas, mag10 months na siya this august. Both working po kami ni hubby. Alam niyo po un, yung pakiramdam as nanay na hndi mo mabigyan ng sapat na nutrients ung anak mo. May vitamins naman siya, tiki tiki. Pero ang npoprovide lang namin is nutri del and cerelac. Npapakain namin siya paminsan minsan lng halimbawa ng kalabasa, patatas, pag weekend, or mnsan nakakapagluto ako ng may sabaw na pwede skniya. Nkakakain nrn siya ng tinapay. Pero ung gusto ko kc mtrain sna siya ng BLW or baby led weaning. Kaso pano? Ang naiiwan sa lo namin is papa ko. Hndi naman siya aware kung ano ang pwedeng iluto pra sa baby. Hays. Nagwoworry lng ako kc baka maging picky eater siya. Gusto ko siya mapakain ng msarap at masustansya. Ang kalaban ko lng is oras. 😢 nakaka guilty as nanay. Hndi ako kuntento na paminsanminsan lng namin siya mapakain ng maayos. Pakirmdam ko napaka iresponsable ko. Baka isipin niyo po mrami kami pambili kc both working. Jusko. Ngaun nga po kinse pesos nlng laman ng wallet ko. Inuuna kc namin gatas at diapers ni lo kesa sariling pangangailangan. Ang inuulam namin ung mura lng na hndi pwede sa baby. Kasi may mga preservatives. 😭#advicepls #1stimemom
Đọc thêm


