Birthclub: Agosto 2023 icon

Birthclub: Agosto 2023

35154 Người theo dõi

Hỏi & Đáp

Baradong Fallopian tube

Hi mommies i have a chika HAHA nag pa ultrasound ako dati kase sumasakit yung kaliwang puson ko chineck ng doctor kung saan nang gagaling yung sakit at nag taka sila na wala silang nakitang kahit ano pero mas lalo silang nag taka nung may makita silang tubig sa fallopian tube ko nung una sabi nila sakin na mahihirapan daw kaming mag kababy ni hubby kasi barado nga pero nung nag try parin kami ng nag try ni hubby na baka isang araw mag himala kase 5yrs na kami ni hubby gusto na niyang magkaroon ng baby kaya pinilit namin tapos last month april 5-9 yung period ko tapos etong may nag taka ako kase di na dumating period ko di naman ako nadedelay ng menstruation kase regular naman ako then dun nako nakaisip bumili ng 4na pt nung una kinakabahan ako sa magiging resulta na baka wala paden ganon pero nung nakita ko yung apat lahat nag positive then nagpasched agad ako kay ob kung nasa loob ba ng matres yung bata o nasa Fallopian tube ko kase may sinabi din sakin yung doctor dati na kung mabuntis man ako baka sa fallopian tube mag stay yung embryo maaring kaming dalawa ni baby mamatay then ayon nasa ob na nga kami nacheck na ni ob si baby nakita naman sa ultrasound na nasa tamang position siya kaya napakasaya ko talaga,napakasaya namin na biniyayaan kami ni lord ng blessing kahit na nawawalan na kami ng pagasa akala namin mauuwi ako sa ectopic pregnancy pero thanks g kasi hindi moko binitawan sa kahit anong sitwasyon ngayon masasabi kong walang imposible pag dating sa panginoon 🤍

Đọc thêm
 profile icon
Viết phản hồi
Xem thêm bài viết