Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
37846 Người theo dõi
5 months pregnant
mga mi normal lang ba na sumasakit ang tiyan pag madaling araw? tapos medyos tumitigas pero saglit lang? atsaka sabi sa akin last check up ko dapat makaramdam na ako ng sipa ni baby pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nararamdaman sipa nya. normal naman ang heart beat nya.
SSS Employed to Voluntary
Bakit ganun, nagbayad ako ng sa sss ko as voluntary, employed pa kasinalagay kahit di na ako nagwowork since 2021, ngayon binayaran ko pero di ako makaapply para mat ben, pano ba gagawin neto
PCOS in left ovary
Pwede Po ba magkaside effects or defects Ang baby kapag Meron Kang PCOS in left ovary?
Depressed mom
Ftm, 22 weeks. I just need words of encouragement na magiging okay din lahat. Ang hirap mag buntis, ang hirap pa ng gastusin. Walang wala ako sa pangarap kong buhay para sa anak ko :(
Maglalabas lang ng sama ng loob pasensya na po kayo😥
5 months preggy here, Bakit ganun mga mi, pakiramdam ko may tinatago sa akin asawa ko, nagigising ako na wala sya sa tabi ko, pag labas ko ng kwarto andon sa sala nakahiga habang may kachat minsan sa kabilang kwarto at madaling araw pa, every madaling araw yun😥 hanggang sa naiwan nya phone nya walang password, kaya nabuksan ko lahat ng fb account nya lima ang fb account nya, di ko alam kung bakit ganun😥 nabuksan ko messenger nya, yon lahat ng mga kachat nyang babae andon, magaganda, mga labas susu yun talagang alagang alaga ang nga katawan, tiningnan ko mga date ng mga pagmemessage or mga convo nila nong hindi pa pala ako nabuntis kachat na nya hanggang ngayon kachat nya, may mga dede akong mga nakikita, may mga private part nila ng asawa ko nakita ko, grabe nashock ako at sobrang sakit😥 ang sakit isipin na may asawa pa lang ganito, gusto ko syang awayin, pero nasa isip ko yung anak ko, gusto ko syang confrontahin o papiliin kaysa nastress ako, pero di ko ginawa alang alang sa anak ko, last week di ko napigilan at nag away kami, di ko matanggap na nasampal nya ako at sinampal pa ulet ng cellphone dinaganan at sinakal ako😥😥😥 di ko alam mga mi bakit maymga taong ganun, samahan pa nya ng pagmumura, gigilitan nya daw ako ng leeg😥 bakit di daw ako magtrabaho, bakit di na lang daw ako umuwi sa amin, puro daw kamalasan binibigay ko sa knya, kaya nakapagdesisyon ako na umuwi na sa magulang ko, di alam ng mga magulang ko na buntis ako kaya nagalit sila, pinagsabihan din ng mga masasakit na salita, tinanggap ko kasi mali ako😥 kaya eto ngayon gusto ko umiyak at sabihin mga problema ko di ko magawa..kaya ginagawa ko hinahayaan ko na lang sila😥pero kahit ganun pa ginawa ng asawa ko mahal na mahal ko parin sya pero para maging safe lang si baby ko kailangan at para matuto sya at marealized nya mga ginawa nya sa akin😥 malabo pero pinagdadasal ko na sana magbago sya at kung magkaroon man sya ng pamilya ulet di na nya gagawin ang ginawa nya sa akin.
Meron rin po ba dito same experience na pag umihi sumasakit yung puson??
#5months pregnant po.
Sleep time
Okay lang ba na 2am ako nakakatulog then wake up ng 11am? Tapos 11pm to midnight nagugutom ako, kmkain ako ng mga snacks edi mas hirap ako makatulog agad. Hirap ako makatulog ng mas maaga sumasakit lang ulo ko pagpinipilit kong matulog. Isa pa di rin ganun yung sleep time ni hubby kaya habang gising sya, gising rin ako.
Need Help po
3 days na po ako di makapagstool, ano po pwede gawin? Lagi naman po ako nainum ng tubig.
Probable baby girl
Hello, 5 months preggy here sabi ng ob ko probable 70% na girl yung baby, magiging boy pa po ba yun?
Belly support.
Hi mga mi. SiNo gumagamit ng belly support dito? Napilitan ako kasi talagang nabibigatan ako. Lage kasing naka pwesto si baby sa bandang puson ko. Ok lang ba to? I mean di ba to nakakaipit ng baby? So far na try ko medyo nakakatulong naman. Worried lang so partner baka daw naiipit si baby.