Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
11963 Người theo dõi
Gender reveal
Hi mga momsh ilang weeks nyo nalaman gender ng mga baby nyo? 15 weeks pregnant
SENSITIVE SKIN
Hello po mga mommies ask ko lang yung 2 years old baby ko kasi napapansin ko sensitive yung skin nya lalo pag mainit or pawis nangangati yung balat nya and nagiging iritable sya. Minsan may bungang araw na rin or rashes yon tas dry yung skin nya ano kayang magandang cream. Or saan sya pwede ipa check around San pedro laguna.
Mga mi may chance ba mabuntis 2 months nako nanganak mag..pure bf po ako..naiputok po sa loob
Hindi pa nireregla
Magnetic Bead
Hello everyone! I just want to share yung experience namin kanina. My 2-year old LO accidentally swallowed a very small magnetic bead. Kasing laki ng tip ng ballpen. Galing yun sa toy nya na magnetic drawing board. Yung pen nun. Sobrang bilis ng pangyayare. Pagtingin namin sakanya ng papa nya, subo nya yung pen. Pagtanggal ng pen, wala na yung tip. Hinanap namin sa paligid, wala talaga. So we are so certain na naisubo nya yun. We immediately brought her sa Makati Med ER. Nagabdominal xray, and boom.... andun na nga. At first, dinidiscuss sa amin ang possibility ng surgery. Talagang nalungkot kami ni hubby kasi di namin maimagine na maoperahan sya 😞 Thank God at sa stomach nya. I mean, buti hindi daw nabara sa esophagus at bumababa naman sya. Eto, pinauwi na kami at inaantay na pumoops si baby. Andaming lesson ng nangyare para saamin ni hubby. 1. Always follow yung age recommendation ng mga toys. Etong toy na to ay for 3+. At first, tuwang tuwa pa kami ni hubby na nagsusulat sulat si baby. But eventually, nakasama pa tuloy. Sobrang nagsisi kami and nalungkot talaga.. 2. All eyes dapat kay LO lalo na sa age nya ngayon. As in all times. Imagine, nakabantay kami talaga sa anak namin. Ewan ko ba, pero at that time mga 5 seconds lang, sabay pa kami ni hubby na di nakatingin sa anak namin for some reason. Sobrang naguguilty kami kahit sabi saamin na it will just pass through and lalabas lang sa poops. Im sharing this experience para maiwasan nyo din ang same scenario. Yes, we will be very careful next time. We understand that it's our fault pero no one wants this..
Tanong lang po . Need din answer para sa peace of mind ko
Hello po need help po sino po naka experience dito sa mga baby's niyo . Yung anak ko ko po kase diko sure kung nakagat ba siya or na scratch nang dog namin . Pero pina anti rabies ko na po siya . Ang gusto ko pong malaman wala po bang side effect yung anti rabies sa baby ko of ever di naman siya talaga nakagat or na scratch nang dog namin
Bakit po kaya iyak ng iyak tong pamangkin ko nakakaawa po kasi mga mommy
Siya po 1years old ang 13 days po
Crochet Disney Princess Baby Milestone Costume Sets ❤️
PTP.. Hello sa mga momma na naghahanap po ng Baby Milestone costumes i have po Cinderella 0-3 mos and Princess Belle 0-9 mos. Sarili ko po na gawa ☺️ Fresh from the hook! Pa comment nalang po for inquiries or u can message me po sa FB PAGE ko hihi. Thank you! #BabyMilestone #Baby #baby
lost appetite ni baby
ano po kaya dapat gawin sa 2 year old baby boy ko na mahina kumain pero malakas naman dumede sa bote?
21 weeks pregnant
Minsan po magalaw si baby, minsan po hindi. Normal lang po ba? Pa 2nd baby ko na po kaso npparaning pa dn ako 😅
SISTER INLAW! LONG POST A HEAD, BADLY NEED SOME ADVICE
Last yr kumuha ng car ang sister in law ko, wala pang 1 yr pinapa assume nya na kay hubby, which is tutol ako,kasi mas priority ko ang kumuha ng sariling bahay. Kahit anung tutol ko mas pinili pa din ng hubby ko na kunin ang sasakyan ng ate nya. I decided na mag hanap ng work and luckily natanggap ako at need kong pumunta ng manila,but before ang lumuwas ng manila I told to my husband na ung brother in law ng kapatid kong babae ang magsundo nalang sa airport samin.Nung nasa manila na ko, ok na ung usapan namin nakaplano na kung cnu ang magsusundo samin since hndi pa marunong mag drive that time si hubby at duty sya kaya hndi ako masusundo. Before kami pumunta ng airport ni remind ko na sya na kukunin sa kanya ung susi ng sasakyan para masundo kami, pero bigla syang tumutol kasi may magsusundo na daw samin which is friend ng ate nya at ate nya.. Kaya nagulat ako, nag explain ako ng maayos na sundin nalang ung napag usapan nmin pero ang dami nyang sinabi sakin like pinapahiya ko daw sya at walang respeto na sobrang kinasama ng loob ko. I ask him na kung a head of time sinabihan nya ko agad or hndi nabago ang plano nmin e hndi naman kami mag aaway.. Nung nasa loob na kami ng airport para maghintay ng flight namin, biglang may lumapit sakin na sinabing friend nya yung sister ng hubby ko. Dun ko napag tanto na kaya pala biglang nagbago ang usapan namin e dahil gagamitin ng ate nya ang sasakyan dahil may susunduing kaibigan,ilang months na ding si hubby ang nagbabayad ng sasakyan pero ang madalas gumamit e ang ate nya which is isa pa sa kinakasama ng loob ko dahil pag need nmin hndi namin magamit. Anu po kaya ang dapat kong gawin? Lagi kong sinasabihan si hubby na kumuha nalang ng bagong sasakyan kung gusto nya tlga para tlagang samin na, hndi ung iaassume nya ung sa ate nya, pero hndu naman namin magamit ng maayos. At anu ba ang dapat priority ang sasakyan o bahay? Thank you po