So confused! Di ko na alam gagawin ko.
I'm a first time mom, sobrang confused ako kung ano ang susundin ko, magkaiba kasi ang sinasabi ng both sides namin ni hubby sa dapat kong gawin na bagong panganak at mga dapat kong gawin sa baby ko. Iniisip ko rin naman ang safety ko at ng baby ko. Kapag sinunod ko yung utos ng pedia may masasabi sila, dapat ganito dapat ganyan. Feeling ko tuloy hindi ako yung nanay, kailangan ko pa rin naman ng gabay nila at nagpapasalamat ako sa kanila pero parang hindi ko nararamdaman na akin yung baby ko in terms sa pangangalaga sa kanya. Feeling ko lahat ng gagawin ko sa baby ko ay mali kasi bagong nanay lang ako at marami pa akong hindi alam. Nagsasabi din naman ako sa husband ko, tsaka nung check up namin sa pedia narinig naman nya yung binilin. Sobrang gulong gulo na ako. Sa dami ng paniniwala nila saan ako maniniwala? #1stimemom #advicepls #pleasehelp
Đọc thêm






