Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
41585 Người theo dõi
Share your experience sa mga nag preterm labor
Good afternoon mga mommies! Gusto kolang mag share ng experience ko sa preterm labor. First experience Kong nag preterm labor sa aking first baby. Kami ng asawa ko gustong gusto ng magka baby. Before ako nagpakasal is regular regla ko lagi then nung kinasal ako ng irreg ng ilang months, ilang beses nadin ako nag pt pero negative padin so pumanta kami sa OB, chineck and pwerta ko pati Ang cervix ko and clear naman then binigyan ako ng gamot pampabuntis or para mag regular ulit regla ko. After 3-4 months is nag regular ang period ko. Then sa mismong birthday ng asawa ko, naka experience ako ng heartburn and tinanong ako ng sister in law ko if dinatnan naba ako, then sabi ko hindi pa pero nag regular na ulit regla ko nito so nakakapagtaka baka need ko ulit gumamit ng gamot na pamparegla. Then the next day is may pregnancy test sa bahay namin, so then triny ko baka buntis ako, hinintay ko ilang mins, ayun dalawang lines meaning positive then triny ko ulit kinabukasan, positive padin. So pumunta nakami sa OB para mag pa check up if buntis ba talaga Ako, so confirm nga na pregnant ako. And then after a few weeks nung last visit namin sa OB is nagkaroon ako ng spotting, sa una light lang then bigla medyo naging heavy hanggang nag worry nako. Pumunta ako sa OB ko then tinignan yung aking pwerta, then nakita is meron akong polyps sa mismong cervix. So binigyan akong gamot, pampakapit at pampa stop ng bleeding. Ilang weeks din sumasakit puson ko. Nung isang gabi is kinabahan nako parang lumala bleeding ko. Sobrang iyak ko Kase baka nakunan ako, nag pray nalang ako. Then kinabukasan is nag stop bleeding ko as in nawala. So dapat pupunta nako sa OB pero di nakami tumuloy. Then nung nag check up ako ulit. Pina ultrasound ako ng OB ko if buhay pa si baby ko pero thank God, buhay siya. Nagulat ang OB ko Akala niya patay Ang baby ko pero may heartbeat padin. So nakalipas ang ilang months, 4 months na Ako neto dahil nag stop na bleeding ko nag decide kami mag beach ng family ko para sa bday ko. Then nag swimming pa ako, after a month, Ika 5th month ko nag gender reveal kami and ang gender ni baby is Boy. So sobrang saya namin ng mister ko and family din namin. Sobrang excited sila para samin, dahil first baby namin ito. After a month, saktong 24 weeks or 6 months, parang may unusual discharge akong na experience, para siyang sipon na kulay brown. Then nag worry ako, pero diko na inisip. Sakto check up ko kinabukasan nun, so nag pa check up ako then nagulat ang OB ko sabi niya 5 cm na daw Ako, naka open cervix na Ako and manganganak na daw Ako. Sa sobrang gulat ko, dipa kami ready, diko pa nabiling damit ang baby boy ko. So pinaka confine Niya Ako agad baka manganak na daw Ako that day, tinurakan din ako ng 4 times para sa lungs ni baby para mag mature , in case daw na manganak akong maaga, may chance na mabuhay si baby. After 3 days sa hospital since Wala Naman akong contraction na nararamdaman, pinauwi na kami. Rinecommend din Ng ob ko na bigyan akong pampakapit orally and transvaginal. Twice a day sa pwerta and through oral Naman is Yung pampa relax Ng uterus tsaka pampakapit. Nung naka uwi na kami, strictly bed rest. As in bawal tumayo at gumalaw, Akala ko okay na lahat, akala ko if mag bed rest ako, di na Ako mag la labor. Pero nag labor padin Ako, ayaw maalis ng sakit sa bandang may pubic bone ko, then Nung mga 5 am na, is tinignan ng asawa ko Yung diaper ko then may bleeding na naganap. Na may discharge nadin na malagkit. Tinawagan na namin OB ko then sinugod na ako sa hospital. 25 weeks palang baby ko then halos Ng mga nurses and midwifes duon ang Sabi sakin Walang nabubuhay Ng 6 months, di daw viable Yung mga napapanganak ng week na ganun. Nag IE sila sakin around 8 cm na daw ako. Sobrang iyak ko kase sobrang sakit na diko alam pakiramdam ko. Ayoko pang manganak dahil masyadong maaga. Ginawa ko Naman lahat Ng sinabi ng OB ko, dinaman Ako nag kulangan sa gamot and vitamins Kay baby. So Akala ko ma sa stop labor ko, Akala ko iuuwi Ako ulit kaso nag tuloy tuloy na. Nanganak ako ng araw na iyon. Sabi ng Ob ko, Nung kalabas ni baby DNR(Do not resuscitate) pero umiyak baby ko then napa smile Ako, Nung narinig ko umiyak, meaning buhay siya. Pero linayo na siya agad sakin then nakatulog na ako. So Nung nagkamalay na ako, after ilang Oras nasa room na Ako, Ang lungkot Ng family ko. Sabi Ng pedia ni baby, sobrang Hina daw Ng heartbeat ni baby and ganun din Ang lungs. Nasa around 50 lang heartbeat niya. Kinabukasan, Wala parin improvement si baby, sobrang nakakalungkot Ang daming nakalagay sa katawan Niya, kung ano anong nakasaksak sa katawan niya. Sa sobrang liit Ng katawan niya. Awang awa na Ako, Sabi din Ng pedia walang improvement so inuwi nalang namin si baby. Isang Araw lang nabuhay si baby boy ko. Kinabukasan is nilibing din namin agad siya. Ang hirap palang mawalan ng anak. Sobrang miss kona baby ko. Ang hirap pag pinapili ka. Sobrang bigat sa dibdib. Miss na miss kana ni mommy, anak. Kung nasan ka man ngayon, no more pain baby ko. Magkikita din tayo anak. Mahal na mahal kanamin ni daddy mo. Madaming nagmamahal sayo anak ko. I love you so much, my guardian angel👼 Lagi mo kaming babantayan ni daddy mo ha. Kahit sa saglit na panahon ka nakasama ni mommy, sobrang saya ko. The best gift ka na binigay sakin ni Lord, kahit saglit kalang niyang pinahiram samin ni daddy mo. Nakakamiss yung mga kicks mo sa tiyan ko. If bibigyan akong chance ni Lord na ibalik ka samin, gagawin ko lahat. Pero anak tandanan mo na lagi kitang pag pe pray, na Hindi kita makakalimutan at lagi Kang nasa puso ko. I love youuuuu panganay ko and thank you sa memories natin. ♥️ So may tanong po Ako mga mommies, Yun kayang pagdurugo ko Ng first trimester at Nung may polyps Ako, Yun kaya Yung reason din ba na nag preterm labor Ako? Na nag open Yung cervix ko Ng maaga? Painless preterm labor na experience ko. And share din kayo Ng experience niyo sa mga nag preterm labor and if nabuhay ba Ang mga baby niyo.
Urinary tract Infection
Nagpa laboratory Po Ako at Wala Naman daw Ako infection sa ihi. Pero masakit sa tinggil 🤭 pag umiihi. Bakit Po kaya ganun? Sa 2 baby ko Kase, nag ka uti Ako habang buntis sa kanila. Wala din Ako iniinom na gamot dahil nasusuka ko. Pero healthy Naman mga kinakain ko
Mga momshie pede po ba inomin yung enfamama safe po ba sa uti Sana po may makasagot
Pagnipis Ng cervix
Pwede bang tumigil ang pagnipis ng cervix sa pamamagitan ng heragest? #advicepls #pleasehelp
Ok lang po ba mag motor ang 29 weeks from sjdm bul to nova?
Ask lang po mga momsh ayos lang po ba magbiyahe gamit ang motor, 29 weeks na po ako. Sjdm bulacan to Novaliches lang po?
Duvadilan and Heragest?
Gaano po ka effective ang pag take ng duvadilan and heragast for preterm labor/preterm contractions? Kaya pubang ma i full term si baby Dito? #advicepls #pleasehelp
Congenital Anomaly Scan
Mga mi ask ulit ako baka may alam kayo na mayroong Congenital Anomaly Scan na mura lang around Alabang Muntinlupa po. SALAMAT
Electric Swing
Hello planning bumili ng electric swing ask lang mga mamsh worth it ba sya? Kasi ayoko yung manual na duyan dahil ayokong kumalat tingnan kwarto namin kaya mas gusto ko sana bumili ng electric swing, sa mga meron po worth it poba?
Ask lang po about philhealth
Balak ko kasi sa lying in ako manganak and 15k daw ang bill kapag walang philhealth pero pag may philhealth after 6-8months irerefund daw yung 4k. Tama ba yon? Tsaka parang ang baba naman ng ibabawas nila ediba usually nasa 8-10k ang bawas ng philhealth sa nga covered nila. Enlighten me mga mamsh currently 7months na din kasi ako and undecided pa din san manganganak although may nakaready naman nakong pampaanak
Mga mi kayo mag kano ibabadget nyo pambili sa needs lahat ni baby bago lumabas?
Hello mga ka team may. Ask ko lang sana kung kayo po ba mag kano igagastos nyo po sa lahat ng kakailanganin ni baby bago sya lumabas hehe, ako kasi parang halos sa shopee kona lahat pag bibilin mga gamit nya. Sa tingen nyo po ba sobra na yung 10k? Salamat po sa makakasagot Godbless.🥰😇