Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
41261 Người theo dõi
Pregnancy test
Hi mga ka mommy question lang po nag mens ako nov 7 natapos ng 11 tas nag karoon ako ulit nov 16 pero parang spotting lang na sobrang hina sa panty lang di natagos sa short then dapat mag kakaroon ako ulit dec 8 pero wala dinugo ako ng dec 15 akala ko meron na tas nawala ulit nag pt ako today dec 18 yung unang pt nag 2 line then inulit ko nag isang line naman ano po kaya nang yari?
1 week delay
1 week na po akong delay, nag pt Po Ako negative. Masyado pa po bang maaga to have pt?
Safee po ba?
Mga mii tanong lang po safe po ba magparebond kahit naglalagas ang buhok after manganak 8 months na po baby ko ngayon
Is nasatapp safe for babies?
Thanks sa mga sasagot
EBF TO MIX FEED
Hello po mga ka nanay, ako po ay hihingi ng advice kase po gusto ko na po i-mix feed si baby sa kadahilanan po para maka alis alis po ako pag importanteng lakad makadede sya sa bote lalo na po di naman po ganun kalakas ang gatas ko kaya di ko rin maiwanan ng pumped milk.. any suggestion po pano sya masanay sa bote yung hindi po mahal na bottle kase wala dn naman po ako budget pang bili like pigeon or avent 8 months na po sya at baka ma nipple confuse na po pano po kaya sya masanay?
8 months old baby di pa nakakaupo at gumapang
Hello po mommies. Nagwoworry kasi ako si LO 8mos old na pero hindi pa gumagapang, pagulong gulong lang siya. Hindi din siya nakakaupo mag isa, di nya kaya natutumba sya. Pero pag nilalagay po namin siya sa walker, kaya niya nang tumayo at igalaw ang paa nya papunta sa direksyon na gusto nya.
Poop 7months old
ASK LANG PO MGA MII NORMAL LANG PO BA ANG GANTONG POOP NI BABY PANGALAWA NYA PO YAN DI PAPO ATA NA TAPOS ..PINALITAN KONA KAAGAD.ASK KO PO SANA KUNG NORMAL YUNG GAYANG KULAY AT TEXTURE NG POO PAG 7MONTHS NAPO AT BREASTFEED LANG PO SYA.. THANKYOUU PO
Ilan months umuupo ang baby? First time nanay ♥️
Ilan buwan po ba umuupo si baby? Baby ko kasi mag 7months na di pa siya umuupo mag isa. Gumagapang na din siya. Late ba baby ko kasi hindi pa siya nakakaupo? Medyo stress lang din kasi lagi nakukumpara si baby ko sa ibang baby dito malapit samin. Kesyo si baby ko daw maliit di pa umuupo. Bilang magulang masakit makumpara anak ko sa iba. Alam ko din naman na meron kanya kanyang kakayahan ang bata, di ako nagmamadali. 2.350kg lang si baby nung nilabas ko kasi nagkaroon ako ng gestational diabetis habang pinag bubuntis ko siya tapos nagkaroon din ako ng preeclampsia. Kaya control talaga yung pagkain ko habang pinag bubuntis ko siya kaya maliit siya. Thankful ako baby ko di siya sakitin.
2 weeks delayed pero negative nmn ang result sa pt
Hi mommies may same din po ba dto sakin after 7 mons.pgkatpos ko manganak dinatnan po ako un po ang first mens ko after giving birth and sumunod na buwan d po ako dinatnan.Pure breatfeed po ako sa aking baby. Nag p.t na din ako twice prehas negative. Sino po dto same situation skn.