Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
20971 Người theo dõi
Ihi ng ihi ang 1 year old and 10months
Ask ko lang po normal lang po ba sa bata na ihi ng ihi every 25 to 30mins ngayon taglamig #ftm #Needadvice
1 year and 9 months ayaw na ng milk
Hello po, may same case ba tulad sa baby ko na 1 year and 9 months palang pero umayaw na sa milk? Pinacheck up ko naman pero sabi ng pedia is wait lang humingi ng milk pero almost 2 weeks na kasi siya di nadede pero kumakain naman ng kanin and other food. Is it okay lang po ba na mastop na siya sa milk? Please huhu pasagot.
Positive po ba or negative
Hello mga mommies, Medyo naguguluhan lang ako hehe So nagpt po ako ng JAN 18,morning nag dalawang line po at medy faint line yung isa so inulit ko po ng Afternoon ganun parin po ang result. JAN 19 nagpt po ulit ako same result po dalawang line pero faint line po and nagpacheck up ako sa ob and niresitahan lang ako ng folic acid for 3months 5mg. Than inulit ko po Ngayong Jan 23 morning medyo faint line parin. Sa ibang brand po is darken na yung line and sa other brand po is sobrang faint ng kulay nya. And normal po ba magkadischarge at magkaroon ng cramps? Salamat po sa sasagot.
Miscarriage
After miscarriage my lumabas na White blood tapos subra sakit ng balakang at pyson
Mix feed poop
Normal lang po ba gantong texture at kulay ng poop ni LO ko 21months old na po siya nag mix feed po kase ako sa kanya bonakid at breastfeed.
Bukas ang pwerta at kita na ang panubigan.
SHARE KU LANG 19 weeks akong buntis dinugo ako nung january 10 ng gabi tinakbo sa hospital sabi ng mga doctor nakabuks na daw ang matris ko at ung panubigan ku ay nasa pwerta kuna. PLACENTA PREVIA po kc ako . . Ang sabi nila wla na daw pag asa wla na daw magagawa kc lalabas na daw talga ung baby ng 19 weeks. Lumabas man daw sya ng buhay hindi din sya mag tatagal kc 19 weeks palang nag dedevelop palang ang lungs nya . . Tinanung namin kung wla nang chance para sumara pa ung matris sabi nila wla na daw talga at aantyin nalng daw syang lumabas o kaya aantayin nalng syang mag pass out at saka ako iraraspa... Nag inject na din clang pam pahilab para lumabas na sya pero ndi talga sya lumabas.. Lumipat kmi ng hospital dahil sa financial problem private kc ndi kaya kung tatagal at kung dun pa sya lalabas.. nag punta kami iba hospital ganun din sabi nila. Hindi nmin alm kung ilang arw yan bago lumabas ilang lingo kaya nasa sa inyo kung mag papa admit kau o aantayin nyo nalng sa bahay na mag labor ka... Kapag nararamdamn mung nag lilabor kana at para kang natatae at masakit na ang puson mu tumakbo kana sa hospital kc any moment lalabs na sya. . . Umuwi kami ng january 11 ng gabi na at nag disisyon na sa bahay nalng mag antay... Bed rest sa awa namn ng dyos naka dumi na ako ng ilang beses ok namn sya nararamdamn ku parin syang gumagalw sa tyan ku. . . Wla din akong nararamdamng sakit at hindi na din sya nag dudugo.. kapag dumudumi ako may lumalabs na parang jelly na may halung dugo pero un lang namn at ndi namn masakit... Mag 20 weeks na ako buks at sana mag tuloy tuloy parin syang malaks sa loob.. Baka may same experience ako d2 share nyo namn po. . . Pampalakas ng loob 🥰🥰
About bps ultrasound with doppler
Para San po ba Ang bps with doppler
Gluta Gen C
Hello may preggy po ba dito na nag tetake ng Gluta or najapag ask permission sa OB nila if pwede mag Gluta? Specifically Gluta Gen C po. #gluta #preggy #2ndchild
STILL BF EVEN IM PREGNANT...
Ano pong effect ng bf padin si 1st born kahit malapit na ko manganak sa 35 weeks baby ko? Masama po ba yon? Before nag lileak na sya 8mos palang ngayon wala na talaga parang tuyot na. :( ayaw paawat ni panganay ko mag 2 yrs old na sya. After nya sa bottle mangangapa pa sya sa breast ko.
Going 35 weeks Discharge.....
Mga mi, nagka discharge ako lagi simula nag 30weeks ako, lalo tuwing naiihi ako, nauuna ang discharge then na pipee na ko sa undies ko, 34 weeks na ko and 5days ngayon, and ang consistency nya is parang pudding pasin tabi nalang po sa mga kumakain dyan pasensya na po. Mababa na si baby, mabilis na ko mahapo, mayat maya gutumin at di na makahinga maayos, nagka ubot sipon pa ko nung dec bago kami umuwi ng Jan. 2 nag celebrate kasi kami sa Parents ko kasama 1st born namin. Sobrang nahihirapan at na sstress na po ako. May 1year old pa ko at kami lang lagi naiiwan sa bahay laging OT si Partner late nagigising, daming labahan, hirap kumain pero laging gutom ang bilis sumakit ng mga buto, balakang, pwerta, batok, parang laging pagod onting tayo upo lang. Para bang maiiwan lagi ang paa kapag nakilos. Pero active naman po baby ko. Wala padin po kaming pang hospital Bill. Praying nalang na naway pagkalooban kami ni Lord ng kita sa travel and tours business ko para kahit papano may pang add kami. Ayoko lang stressin masyado sarili ko kasi dilang naman ako ang nahihirapan kahit wala kaming katuwang mag asawa kinakaya namin. Makaraos at malampasan lang itong pagsubok na to.