Nakakainis

Yung matben ko na dapat gagamitin ko pang tuition ng anak ko, nawala na! All because hindi nagpapadala ng budget yung mga kapatid ng asawa ko para sa parents nila na pinauwi nila samin. Di naman pala nila kaya tustusan tulad ng sinabi nila nung binigla nila kami pauwiin dito, di sana hindi na lang nila pinauwi. Alam na alam naman nila na walang wala rin kami. Pati emergency funds namin wala na! Naaawa ako sa anak ko. Di ko alam kung saan pa ko kukuha pang tuition niya this coming school year lalo na wala pang work asawa ko at hindi pa ko makapag work dahil kay baby. Pati nga pang apply niya, wala na. Sorry. Pero inis na inis talaga ako. Gusto ko na silang layasan pero saan naman ako pupunta ?

9 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

sis , alam mo ako dn naiinis s part ng asawa ko , mabait nman cla kso ang problema , dhl my skt ung mama nla s puso , kda vwan kelangan ibalik s hoapital , eh 6 clang mag kakapatid totally 7 cla , namatay ung last , pang 5th ung asawa ko s 7 , then ung sunod s asawa ko , buntis dn ung asawa , ang ikinaiinis ko lng , nag trabaho sya then ung sahod nya ipinanloload lng nya pra mkapag games online , tas pag wla n clang pang gastos , smen nghihiram , so ayun binayaran nman kso ngaun s sobrang kapos nla ung 500 n utang ndi p nababayaran , pero dhl naawa dn nman kme , so hinayaan n nmin , ndi n nmin inuult , then ung ate nya , laging chat ng chat n kung pwede magpadala pra s check up ng mama nla , syempre asawa ko ndi dn matitiis ung mga un , ung sinahod nya tlaga nung akinse , wlang natira smen , wla kming naitabi kundi 500 lng tas bka magalaw p kse wla ng budget ung asawa ko s trabaho nya , naiinis lng ako s asawa ko at s side nya kse bkt gnun , sken natutulog asawa ko , uuwi lng pag maliligo , madalang n nman sya mkikain dun , kse dto sya sken kumakain eh , tas ung rent ng bhay nla , sya p dn ung khati ng sinundan nya , tas ung sumunod a kanya n kpatud nya , puro load ang ginagwa s pera , smen p dn ng hihingi ng pampagamot eh , dpat dun s sinundanng asawa ko eh kse wla nman un asawa , wla n nman un pinag kakagastusan , dpat , ndi nman dpat , n lgi nlng smen , kse kme nag iipon dn ng pambiling gmt n baby next month after ng ultrasound ko

Đọc thêm
5y trước

ntry ko n yn sis , kso wla dn tlagang maasahan s kpatid , ok lng nman sna n mag bigay kme , kso , wag nman sna iasa smen ung resbonsibilidad n un , lalu n ngaun n my pinag iipunan dn kme , syempre nkakahiya dn nman komprontahin ung side nya n , gnto klagayan nmin n n iipon dn , wag nman sna iasa smen ung bgay n un , tas ang msaklap p , gusto pauwiin kme ng asawa ko s bicol para s ksal ng kpatid , eh ndi kme sure kung makakauwi dhl s pag anak ko , syempre ndi p sure kung normal , eh how about ma CS ako , edi lking gastos , tas papauwiin p kme dhl s ksal , kung ndi daw kme makakauwi , magpadala nlng kme pambili ng baoy n kakatayin , pno nmin pag kakasyahin ung badget s anak ko at skanila , dmi nlang request , dpat nga kme ung ikakasal eh , mauuna nlng ung kpatid nya dhl ayaw dn palamang , jusko , s totoo lng ang hirap nla kausap , kya pag nag chachat sken ung kpatid , at alam kong ng hihingi ng pera , cnasabi ko tlaga n wla kming ipon , nag papadala p dn nman kme pero ndi n gya ung hinih

Di ko alam if mararanasan ko to pero mahirap talaga na kayo ng hubby mo ang sasalo sa mga byanan mo. Yan ang pagsisimulan ng away ng mag asawa kapag na involve na ang in-laws. Wala ba pension ang mga byanan mo? Okay lang na kargo mo sila sa pagkain pero mahirap kung pati mga gamot, kayo pa rin. May pamilya na kayo so ang number one priority ay ung mga bata. Kausapin mo asawa mo, wag ka lumayas. Isipin mo, ngayon, kayo ng mga anak mo ang nas a taas, 2nd na lang ang byanan. Di naman sa pagiging masama pero its best talaga na wala kasama byanan sa bahay. Ibukod na lang cguro mga byanan at pagulungan ng mga magkakapatid including your hubby pero never mo ibigay ung financial mo kasi sayo yun at sa mga bata. Magdamot ka momsh, di naman masama if di kayo magbibigay if walang wala naman talaga kayo. Isacrifice mo na lang good relationship mo sa byanan mo kesa kapakanan ng mga anak mo.

Đọc thêm
5y trước

Wala pa po silang pension. Kami na nga po sumasagot lahat dahil wala naman kaming choice nung umuwi sila ng biglaan samin. Lahat ng utility bills namin domoble kaya sobrang bigat. Meron naman silang anak na mas nakakaluwag sa buhay at single pero hindi ko maintindihan sa mga kapatid ng asawa kung bakit kailangan samin eh walang wala naman kami. Pati pagkain napakagastos. May mild allergy ako sa itlog at manok pero pag yun ang niluluto ng biyenan ko wala akong magagawa kundi kumaen dahil hindi sya kumakain ng isda. Kaya kung ako lang talaga, mas gusto kong hindi sila kasama dahil sobrang gastos. Hindi nila alam ung word na "magtipid".

Nakaka bwisit talaga yung ganyan e, yung kahit dka likas na bastos o ma issue sa mga inlaws inlaws na yan o kahit sino pang myembro ng family ng asawa mo makukuha mo talagang mabwisit at worst magalit kana hays. May mga ganyang pangyayari talaga e, tulad din ako ngayon, nagaaway din kami ng asawa ko dahil mas mahalaga parin sakanya yung mga magulang nia kesa samin na mag ina na. Kumbaga kahit kami na ang nawala sa buhay nia ok lang wag lang mga magulang nia, hays. Nakakapagod umintindi na pag ganyan minsan, kaya momsh nasasayo nalang talaga kung tatanggapin mo palagi na pangalawang priority lang kayo, wala naman sana issue e kung marunong silang tumimbang.

Đọc thêm

Yun nga po mas nakakasama ng loob, tuwing lalapit asawa ko para kunin yung pinangako nila, halos taguan nila. Madalas wala daw pera, maswerte na kung magbigay sila ng 1k sa isang buwan. Yung isang libo na yun kulang na kulang yun sa mga biyenan ko sa pagkain pa lang ng isang linggo dahil malalakas silang kumain. Buti sana kung babayaran nila yung perang pang tuition sana ng anak ko na ginastos ko sa mga biyenan ko kaso hindi eh.

Đọc thêm

Kausapin mo husband mo sis na kausapin niya mga kapatid niya at ipaintindi muna yung sitwasyon naeron kayo kasi kung kaya niyo naman tutulong naman kayo kaso nauubusan din kayo lalo kung wala kayong inaasahan na income mag asawa. Kawawa namn yung mga bata sila yung nasasakripisyo.

hubby dpt gumawa praan ndi ikw.. sna po half lng sinabi mo amount n nkuha mo pra nkpgtabi k p ng pera.. parents ni hubby yn kya sya mkpg usap s mga kptid nia, ikw p nmmroblema e bwl mstress ang preggy.. kausapin mo po si hubby ndi mssolusyunan pg ndi sya umaksyon

mainam pag usapan nyo po ni hubby mo dpt sya gumagawa paraan wag asahan ung matben mo. hays nu ba yan ndi dapat ganyan nakalaan na sana sa anak mo e magpray ka sis iiyak mo lahat ke lord sana naman makaisip sila lalo na c hubby mo sya lang kase makakalutas nyan.

Talk to your husband momsh. Tsaka sana di po pinaalam. Sakin kasi di ko pinaalam na may nakuha ako. Alam ko kasi mangyayari.

5y trước

Kahit naman po kausapin ko wala rin eh. Ginawa ko na po yun nung naubos sa kanila ung 13th month ng asawa ko pero wala talaga, nag-away lang kami kasi ang damot ko daw at kelangan daw namin tumulong. Ang gusto ko lang naman, magtabi kami kahit konti para sa mga bata at emergency fund sana lalo na at paalis na siya ng work pero wala rin nangyari. Ung matben ko di ko naman po pinaalam sa kanila pero alam nila na may makukuha ako since previously employed po ako. Mas nakaabang pa nga sila kesa sakin tapos sinabayan pa ng in-laws ko ng di pagpapadala ng budget nila kaya wala po talaga. Sobrang nakakainis lang kasi di naman nila papalitan yung pang tuition sana ng anak ko.

mommy di solusyon ang paglayas. Pag usapan nio ng asawa mo yan. Di namn pwede yung ganyan.