40 Các câu trả lời

VIP Member

Sis dont mind them hyaan mo sila hindi naman sla ang magbibigay sayo nun. Just wait lang po, share ko lang kwento ng tita ko. Ganyan din sya almost 16yrs sla ng hubby nya sa tagal nla hndi sya nagkaanak nag ampon sya dahil sbi sknya ng ob nya meron syang problema sa matres nya kaya nawalan na sya ng pagasa magkaroon ng sariling bby. But this year nagpacheck up sya kasi feeling nya may bukol sya satyan so nun ni ultra sya. Napawow kaming lahat preggy na pla sya and its a girl agad. 6mos na sya buntis ng malaman nya sanay naman ksi sya ng hndi nireregla ksi irreg nga talaga mens nya kaya akala nya normal lang un kala pa nga nya kaya matigas un tyan nya may tumor nya sya. But NO its a blessing. 16yrs sla ng hubby nya ilan beses sla nagtry pro ngyn lang binigay un matagal na nlang gusto. By the way my tita is now 39 yrs old. 8mos na syang buntis same kami. See sis just wait in God's perfect time hindi niyo pa araw ngayon. .MAKE YOUR FAITH BIGGER THAN YOUR FEARS. Godbless sis.

Nung una ganyan din ako. Lahat ng tao tinatanong bakit wala pa kaming baby, akala naman nila madaling gumawa. Umabot na sa point na naapektuhan na yung relationship namin ng asawa ko. Pareho kasi kaming may problem, pcos ako and low sperm sya. Nung narealize ko na nawawalan na ko ng gana sa asawa ko, iniba ko mind set ko. Nagplano na ko na baka hindi kami magkababy. Sinabi ko narin sa parents ko na malaki ang possibility na hindi kami magkaanak. Inenjoy ko nalang yung kami lang dalawa ng asawa ko. Nagplan na ko ng mga trip na kami lang dalawa. Ayun, hindi ko alam kung pinagtripan ba ko or dahil nawala ako sa stress mode, pero nabuntis ako. May nabasa akong libro na nakapagpabago ng mindset ko, yung 'all your perfects' ni coleen hoover.

I feel you sis. Nakakababa ng confidence na kung pwedeng ipagsigawan mo sknila na sana nga meron na na kung ganun lang kabilis ginawa mo na ung kahit anong gawin mo wala talaga buti kapa nga early 20s kalang ako late 20s na kaya masnakakapressure ang mahirap pa si bf may anak sa ex nya so it means baka ako ung may problema nakakatakot magpacheck na pano nga kung wala hindi nman dn ako pwedeng magampon kase siguradong hindi papayag relatives ng mapapangasawa ko tska mahahati pa ung imbis na para sa anak nalang nya. Hay. Ipagpray natin sis sana magkaroon tayo ng baby ngayong 2019. Hindi panaman natatapos ang taon :) actually ako nga namimili ng gamit ng bata kahit na wala pang baby ganun ako ka eager na parang masyado ng frustrated.

VIP Member

Try mong wag mag expect. Yun bang cool ka lang, relax lang. Pero still, during your fertile days, dalasan niyo. Malaki ang effect ng stress sa pagkakabuo ng baby e. Kasi dati nagtatry ako, ginawa ko lahat para mabuntis tapos pag alam ko nang malapit na menstruation ko, hindi na ko mapakali. Lahat ng symptoms na mararamdaman ko, isesearch ko sa internet kung sign ba ng pregnancy. Masyado akong expectant then sobrang madidissapoint pag dumating na talaga ang period ko. Pero one day nung natanggap ko nang, hindi ko pa siguro talaga time magkababy, hindi ako talaga ako nagexpect. Ayun, nabuntis agad ako. 15 weeks or 4 months na kong pregnant ngayon.

4 years po kaming naghintay ni hubby na mabuntis ako. Ganyan na ganyan din po naexperience ko nun, kinakantyawan pa ako na baka daw po wala akong matres at napakahina ni hubby ko. Syempre, masakit po kaso sinasakyan na lang po namin. Tapos sinamahan po namin ng pananalangin gabi gabi. Then nung march nabuntis ako, hindi ko expect po yun. Kaso nakunan din po ako. Then hindi pa rin kami tumigil sa pananalangin,hanggang sa sinagot na muli po yung panalangin namin. Going to 7 weeks po ako ngayon, nananalangin pa rin po kami ni hubby na maging malusog ang baby namin at hindi na mawala sa amin. Panalangin lang po sister.😊😊😊

Same us ... I hope and I pray naging maayos na Ang lahat... Makita na naten soon Ang anak naten... Kaka excite nu..

I feel you ganyan din ako.. halos lahat ng pinsan ko mas Bata pa sakin may mga anak na tapos parang na pressure din ako Kasi 2 yrs kmi nag try ni husband nun lagi di makabuo... Tapos na ldr pa kmi... Ginawa ko nag pa check up ako baka ako may prob. E then c mister pag uwi Pina check up ndin sperm count nya.. ok Naman daw Wala prob.. sabi ng mga doctor samin relax lng daw kami di Lang dw nmin ma tsempuhan.. tas ayon may mga pinayo mga doctor samin na dapat namin gawin.. finally nakabuo din.. 😊 pray Lang din.. araw araw ako nun nag aalay ng sampaguita say baclaran church.. God is good..

Sobrang feel kita sis, same here, on my lowest ebb atm. Cried out loud yest, very depressed kasi ung feeling na pra ka ng luka luka at feelingera kasi feeling positive delayed ka ng more than 2 months tapos ayan bgla ka reglahin, saklap pa may Adenomyosis pa ko gastos na nga torture pa ung pain. No matter how strong u r darating dn sa point na mapagod ka na din esp in my case na 14 yrs ng nagppray at umaasa. Work up for almost 3 yrs wala din..haaay😭😭😭sobrang nakakadepress..pero still praying and waiting for my miracle in His time.

Ganyan din po ako last year.. Sabi ko bat yung mga nagpapalaglag nabibigyan :( Nag pray lang ako sabi ko kay Lord "I know you have better plans ahead for us that I should not doubt. May tamang panahon at timing I will trust you kung tingin mo pong di pa ko ready" sinurrender ko kay Lord. Di ko na trinack mens ko tas biglang di na ko nagkaroon nung March. After 1 week nag PT ako saka nag positive. Just trust and Pray to the Lord Sis 😊 God has better plans and best timing for you ❤

VIP Member

Wag kang pastress dahil lalo nakakalow chance ng pregnancy yon. Try nyo magpaalaga sa ob at gawin nyo wag madalas magsex. Much better kung once in 2 weeks or 3 weeks para mas marami ipon na sperm ni husband mo. Gamit ka rin nung app para matrace yung menstration mo at makikita mo rin doon kung anong date yung high chance of pregnancy para doon sa date na yon kayo magtry

Baka po may repro-immune disorder kayo like APAS. I was TTC for 5 years. Nagpatest and nagtreatment. I got pregnant right after the 2nd session of treatment. My baby is now 1 year old. Look for the All About APAS FB group. Malaki naitulong sa amin. Marami na rin success stories.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan