Nararamdaman nyo rin ba ito?
yung feeling na dati nung bago palang kayo,nasasabi nyo lahat-lahat sa kapartner or asawa nyo ang mga saloobin nyo? Habang tumatagal na nagkakakaroon kayo ng away or gap,para bang ngayon namimili nalang kayo ng sasabhin sa kanya?Kung Ok ba na iopen nyo ang isang bagay or hindi? Salamat po mga ka momshies.
Ganyan din kami dear. Tingin ko sign yan na d pa ganun ka mature si partner mo kaya d na nya nakakaya ung pag oopen up mo. Imbes na he will take it positively, nauuwi pa sa away. Namimis interpret nya ung pag sasabi mo ng saloobin as reklamo.. Ansarap mag give up pag ganyan na ung situation sa totoo lang. For now, tina try ko pa rin mag work hoping na mag mature na rin si partner bago pa mahuli ang lahat. At least kundi talaga uubra, nagawa ko na ang lahat. Gawin mo lahat ng strategy dear. Kung ayaw nya ng pahaging, diretsuhin mo. Pag d namn nya kaya ang pranka, dahan dahan mo. Pati ung approach at voice tone, try mo baguhin para d nya maisip negatively ung sasabihin mo.
Đọc thêmHindi po. Mas naging open kami sa isat isa ngayong naging magasawa kami. Maliit man o malaking issue or what, kailangan mong ivoice out. Kailangan malaman niyo yung nararamdaman ng isat isa. Diba, pano kayo magkakaintindihan kung di kayo nagsasabi, pwedeng dun din nagstart yung ganyan niyong feeling towards each other po. Hinahayaan niyo lang yung mga issues niyo hanggang sa hindi na talaga kayo magkaintindihan dalawa at nauuwi na sa away.
Đọc thêmMahirap magsama sa iisang bubong kung pareho kayo di malayang nakakapag bukas ng tunay na nararamdaman yong itatahimik mo nalang kasi ayaw mong mag cause ng away napakabigat sa loob nyan... dapat hanap ng way of communication na mapagaan ang usapan wag nlng siguro idaan sa init ng ulo.. ang respeto at tiwala ang nagpapatagal sa relasyon dapat open kayo sa isat isa like best friends
Đọc thêmsa aming mag-asawa, i make sure na may small talk kami araw-araw. whether chat or bago matulog sa gabi. nagde-date din kami every week para may oras kami sa isa't isa. every year, may bakasyon kami na kami lang. kailangan talagang bigyan ng oras ang relasyon. huwag puro anak lang ang iniintindi.
Oo sis, palagi. Sa aming dalawa ako ang parang lumayo simula nanganak ako medyo naging cold ako sa sobrang daming nangyari na muntik pa kaming maghiwalay tapos post partum depression pa.
Samin same parin, 8 yrs kmeng bf/gf and 3 mos palang na married pero walang nagbago.