Disappointed
Yung feeling na 2 weeks kayo di nagkita ng boyfriend mo kaya excited na excited ka. 20 weeks preggy ako pero nagkapagtulak ako ng sofa at akyat panaog sa hagdan kakalinis ko, nag vacuum ako tapos naligo ng mabuti, nag make up pa ako ng konti at pabango, tapos bigla di na daw pala tuloy kasi pagod na siya sa byahe at hindi pa niya nakakausap mama niya. Nakakaloka grabe yung iyak ko ngayon ayaw tumigil. Limang beses kong tinanong mula kagabi kung sure ba siya na dito siya tutulog pero dadaan muna siya sakanila sa Cavite tapos ako nasa Laspiñas. Puro oo kaya daw at gusto niya kaya ako naman todo effort ako diba hahahahahahaha Yes sige at some point nakakaawa naman siya kasi pagod na pagod sa work and byahe pero wala naman pumilit sakanya at ilang beses kong shinure yung uwi niya dito. Alam mo yung feeling na naburst talaga ng bongga yung bubbles ko at sobrang nanlambot ako kasi napunta sa nga nga yung effort ko. Iyak nalang ako ng iyak diko mapigilan. Nasasanay na ako makatulog habang umiiyak ng silent.