Abusadong byenang babae

Yung byenan kong abusado na araw araw kong minumura sa isip ko. May sariling pamilya na yung anak nya huhuthutan pa nya ng pera. Sya pa nangungunang manghingi ng pera sa araw ng sahod ng asawa ko. Samantalang nung wala kaming work pareho ng asawa ko sasabihan kaming makapal ang mukha, hindi kayang buhayin yung anak. Tapos ngayun sya pa nangunguna sa pera. Okay lang sana kung wala silang trabaho kaso pareho silang byenan ko na may trabaho at wala din naman silang pinag aaral. Mayabang kasi eh. Kapag kapitbahay ang nanghiram sakanya ng pera papautangin naman nya kasi matulungin daw sya, nakakaawa daw yung kapitbahay. Kaya ngayun sa asawa ko nanghihingi ng pera dahil wala na daw syang pera. Ang galing magmayabang sa ibang tao tapos yung asawa ko peperwisyuhin nya. Ps. Never syang nagbigay samen ng financial na tulong kahit may work silang dalawa ng byenan ko.

16 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ganyan din mga byenan ko momsh.. tingin samin ng asawa ko atm/banko/money remittance.. kada magttext puro pera lang alam.. nakakasawa.. gusto ata sustentuhan sila monthly. e pano naman kami ng anak ko.? ni piso wala ding binigay samin yun ng anak ko. in short wala clang puhunan samin ng baby pero kada may pera kami kumukubra lagi sa asawa ko. ang hirap momsh.. yung tipong may pakialam lang sya or sila pag kelangan nila ng pera. swerte talaga yung mga may mababait na in laws na hindi ginawang investment ang anak nila. tahimik buhay nila. ni kamusta nga samin ng anak ko wala e.. pera lang talaga gsto. nakakapagod. kaya tuloy minsan pag titungnan ko asawa ko naiinis ako dahil pakiramdam ko lihim nyang sinusustentuhan pa din yung pamilya nya ng di ko alam. ok lang sana kung maluwag kami. yung pang samin nga ng anak ko ipinangungutang namin, tapos kukunin pa ng in laws ko. gusto ko nalang minsan umuwi samin. atleast yung pamilya ko mahal kmi ng anak ko. iwan ko n tong asawa ko at yung pamilya nya ang asikasuhin nya. wag na nya kami hanaping mag-ina.. ipinagppray ko nalang na sana naman this time kami naman ang unahin ng asawa ko. pero mukhang imposible yun. hanggat buhay pa yung mga in laws ko. 😢😢😢

Đọc thêm