Abusadong byenang babae

Yung byenan kong abusado na araw araw kong minumura sa isip ko. May sariling pamilya na yung anak nya huhuthutan pa nya ng pera. Sya pa nangungunang manghingi ng pera sa araw ng sahod ng asawa ko. Samantalang nung wala kaming work pareho ng asawa ko sasabihan kaming makapal ang mukha, hindi kayang buhayin yung anak. Tapos ngayun sya pa nangunguna sa pera. Okay lang sana kung wala silang trabaho kaso pareho silang byenan ko na may trabaho at wala din naman silang pinag aaral. Mayabang kasi eh. Kapag kapitbahay ang nanghiram sakanya ng pera papautangin naman nya kasi matulungin daw sya, nakakaawa daw yung kapitbahay. Kaya ngayun sa asawa ko nanghihingi ng pera dahil wala na daw syang pera. Ang galing magmayabang sa ibang tao tapos yung asawa ko peperwisyuhin nya. Ps. Never syang nagbigay samen ng financial na tulong kahit may work silang dalawa ng byenan ko.

16 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Kaya dapat ang mga babae, may trabaho talaga. para magbigay man ang asawa natin sa magulang nila ay hayaan nalang, basta tayo may pantustos tayo sa mga anak natin. at wag na wag hihingi ng tulong sa iba baka mamaya maging utang na loob pa natin. at baka isumbat lang sa dulo🤢🙄