Sharing is caring
YUNG ASAWA NA MAY PANGARAP SA PAMILYA Mahirap kapag may sarili ka nang binubuhay. Pero wala nang mas hihirap pa kung yung tao na inaasahan mo na makakasama mo sa hirap at ginhawa, nawala na . Ang sarap sa feeling kapag yung mister mo bukangbibig kung paano maitataguyod ang sariling pamilya. Kung paano magiging mabuting modelo sa anak. Yung isasakripisyo yung pang sariling kagustuhan para sa mas mahalagang bagay. Uunahin ang sustento bago bumili ng kung ano. Uunahin na makasama ang pamilya bago mag aya sa barkada. Yung alam ang prayoridad sa buhay may asawa. Bago mo maisipan na kailangan mo rin ng “ME TIME” , itanung mo muna to sa sarili mo: 1. Nakakapagsustento ba ako ng tama? 2. Bago ko yayain ang ibang tao, nai date ko manlang ba ang asawa ko? 3. May gusto akong bilhin , okay pa ba ang supply ng gatas ng anak ko? 4. Tinatamad akong pumasok, pero anu bang mga nakasalalay kapag di ako makasweldo ng kumpleto? 5. Masaya pa ba kaming pamilya? Kapag nasagot mo yan, malalaman mo kung deserve mong magkaroon ng ME TIME. Kailangan mong intindihin ang sitwasyon nyo dahil kung hindi, patuloy kayong hindi magkakaintindihan ng asawa mo.