Yung anak ko kasi 2yrs old na, pero ang laging kinakain is junk food (Chips or sweets) not everyday, may times kakain siya sopas or kaya noodles pero ayaw na ayaw niya ng rice. Nag aalala lang din kasi ako baka magkasakit kasi walang sustansya sa junk foods. Breastfeeding pa din hanggang ngayon, nagvivitamins din naman. Hyper din siyang bata at never pa nagkasakit. Pero as a mom, nakakatakot baka magkasakit siya ganun. Nagwowork din kasi kami ng partner ko, pinipilit rin namin na di talaga siya kumain ng junkfoods kaso ang nangyayari is di na siya kakain buong araw, dede na lang. Any advise?