Advice naman dyan Mamsh

Yun husband ko may team building 2 days sila. Eto yun first time na aalis sya sa bahay mula pandemic kasi work from home kami(hindi kami same ng company). Kami lang tatlo sa bahay, ako, si Baby at sya. Sinabi ng Boss nya na baka maghybrid sila once a week. Nag-adjust kami. Tumingin kami ng second hand na sasakyan. Ngayon, pag tumuloy sya sa team building maiiwan kami ni Baby ng kami lang. Tapos halos wala kami kapit bahay kasi nasa likuran kami tapos gabi na kung umuwe yun nasa harapan na bahay. May something pa nangyayare sa Bulacan na nagkakawalaan yun mga Babae at nun last nalooban ng bahay yun isa sa kapitbahay namin. Palage nya sinasabi na wala syang choice kundi sumama kasi palage sya hindi nakakasama at nahihirapan na sya tumanggi. Hindi naman daw kasi ako yun makikisama sa kaoofficemate nya. Nahihirapan lang ako intindihan na kaya nya kami iwan mag-isa sa bahay o OA lang ako. Pakihelp mga Mamsh. Sabi ko nga sa kanya. Natatakot ako na i-open sa kanya kasi iisipin nya hindi ako supportive sa pangarap nya. Dream nya kasi yun trabaho nya ngayon. Ever since supportive ako mga Mamsh pero tagal ko pinag-isipan ko kung open ko ba o wag na kasi natatakot ako na pag hindi sya sumama paparamdam nya saken yun pagkainis nya na hindi sya nakasama. Nun open ko sa kanya at explain na mahirap iwan kami kasi kami lang ni Baby sa bahay maiiwan hanap daw kami paraan. Actually, naopen na nya na dun daw muna ako sa Papa namin matulog (mahirap kasi lumalabas si Papa tapos nagpapasok din sya sa bahay. Mahihirapan ako gumalaw nun kasi liliit space ni Baby for sure mababagot sya at ayaw ko sa bahay kasi iba pa yun feeling kasi nawala Mama ko. Sobrang empty ng bahay. Yan yun feeling ko) tapos sa side naman nya. Dun sa bahay matanda kaso wala naman nakatira dun ngayon. Nakakatakot. Ang hirap sa feeling na nakadepende kami sa kanya. Pag naririnig ko kung gano nya gusto paglaban na makasama over dun sa risk na maiiwan kami ni Baby magisa sa bahay ng gabi at walang kasamang lalaki. Oa lang ba ako mga Mamsh. Taga Bulacan kami tapos sa Batangas 2 days yun team building nya.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Di ka OA mamsh pero masyado ka nagwoworry. Kung may tiwala ka sa asawa mo papayagan mo siya. 2 days lang. Support mo na lang siya. Kung nagvoice out ka naman ng opinion mo and gusto pa din niya sumama, pumayag ka na lang. Di mo kasi mapipilit gusto mo kung iba gusto nya. Para sa inyo din yan. Mafifeel niya na suportado mo siya sa decisions niya. Dun ka muna sa parents mo or sa parents ng asawa mo hanggang makauwi siya. Pwede mo rin iopen na makalipat kayo since ayaw mo diyan and you feel in danger.

Đọc thêm